Infinite Radio, tatlong taon na sa ere | Bandera

Infinite Radio, tatlong taon na sa ere

- February 03, 2024 - 02:09 PM

infinite radio calbayog

Ang nangungunang himpilan ng radyo sa Calbayog City at lalawigan ng Samar, Infinite Radio (IR, 92.1) ay magdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo sa Linggo, February 4, 2024.

“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa aming advertisers, stakeholders at siyempre sa mga empleyado ng ating himpilan, at higit sa lahat sa followers at listeners ng istasyon. We could have not gone this far kung wala ang ating mga tagasuporta,” saad ng station manager na si Ricky A. Brozas.

Maliban sa news and entertainment ay tampok din sa mga programa ng IR Calbayog ang musika na swak sa lahat ng age group sa lipunan.

May mga block time programs din na kapaki-pakinabangan sa mga tagapakinig tulad ng Damdamin ng Bayan with the Chief Executive, hosted by Calbayog City Mayor Monmon Uy at Jaynard Monterona.

“May mga public affairs program din tayo tulad ng Samu‘t-saring Impormasyon sa Radyo (SSIR), hosted by the veteran radio personality, Miss Eleen Lim; Verdad Y Opinion ni Miss Gina Dean at iba pang programa ng mga pharmaceutical companies,” dagdag pa ni Brozas.

Isang munting salo-salo naman ang inihanda ng IR Calbayog bilang pasasalamat sa kanilang mga tagasubaybay na gaganapin sa isang beach resort sa Calbayog City.

“Naniniwala ako na simula pa lamang itong unang tatlong taon natin sa IR para mamayagpag sa hinaharap. Aalam kong marami pa tayong matutulungan sa ngalan ng public service at nation building na bahagi ng ating corporate social responsibility. Basta’t nasa tamang landas lang tayo, walang imposible sa ating mga adhikain to go beyond expectations,” pagtatapos ni Brozas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending