TV/radio network binubuo na ng isang bilyonaryong pulitiko | Bandera

TV/radio network binubuo na ng isang bilyonaryong pulitiko

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
October 13, 2021 - 03:21 PM

Kakaunti lang ang nakaka-alam pero isang panukalang batas ang inihain sa Kamara kamakailan para bigyan ng nationwide franchise ang isang radio–bagong TV-satellite broadcasting network.

Interesado ang may-ari nito na makipag-sabayan sa mga malalaking broadcast network sa bansa.

Maging ang kongresista na author ng panukala ay ayaw magbigay ng kopya ng kanyang bill para sa nasabing broadcast franchise.

Tutal ay naipasa na raw iyun sa committee on legislative franchise ng Kamara.

Kung sakaling mabibigyan ng prangkisa ay gusto ng big boss ng kumpanya na mag-bid para sa radio at TV frequencies na binakante ng ABS-CBN.

Hindi problema ang pera para pondohan ang proyektong ito ayon sa aking spotter lalo’t isa sa pinaka-mayamang Pinoy ang may-ari nito.

Sa kasalukuyan ay operational na rin sa ilang mga lalawigan ang mga cable companies na pagmamay-ari rin ng negosyante ito na nauna nang nabigyan ng prangkisa para sa third telco na kalaunan ay hindi rin niya itinuloy.

Imbes na makipagsabayan sa mga telco ay ginamit niya ang prangkisa para sa cable system sa ilang lalawigan ayon sa aking spotter.

Dahil sa mga development na ito, sinabi ng aking cricket na malayo na sa radar ng bilyonaryong at dating mambabatas na ito na asintahin pa ang pwesto sa Malacanang.

Kailangan pa ba ng clue?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending