Infinite Radio sa Calbayog, nagdiwang ng ikalawang anibersaryo
“Trendsetter”, ganyan kung ilarawan ng mga tagapakinig ng bagong himpilan ng Radyo sa Calbayog City sa lalawigan ng Samar ang Infinite Radio Calbayog, 92.1 MHz.
Ang Infinite Radio Calbayog, na nagdiwang ng ikadalawang anibersaryo nito ngayong Pebrero 4, ay isa sa mga local radio stations sa Samar at sa Region 8 na nag-introduce ng Live simulcast programs sa pamamagitan ng Facebook at YouTube.
“We really need to go with the flow. Eh kasi di na uubra ngayon na napakikinggan ka lang sa Radyo. Dapat sumabay ka na rin sa new technology so that you can catch your target audiences from all walks of life,” saad ni Ricky Brozas, station manager at proprietor ng Infinite Radio Calbayog.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa Radyo Inquirer na binigyan ako ng pagkakataon na maging reporter at maging isa sa kanilang radio/TV anchors kasi sa kanila ko nakuha ang idea ng mobile journalism using the new technology,” wika pa ni Brozas.
Ang Infinite Radio (IR) Calbayog ay ang tanging himpilan ng Radyo sa Calbayog City na locally produced ang mga programa. Bagaman may mga existing na radio stations sa lugar, pawang mga naka-hook-up lamang ang mga ito sa ibang himpilan sa Maynila at Tacloban City.
“Nagpapasalamat ako sa mainit na pagtanggap ng mga Calbayognon at Samarnon at sa iba pang mga lugar na naabot ng aming brodkast kasi kami ang pinakikinggan nila. To begin with dapat maganda rin ang mga programa mo para pakinggan ka, at malaking bagay din na magaling mag-programa ang DJ announcers mo kaya aantabayanan ka ng mga tagapakinig,” sabi ni Brozas.
“Hopefully by mid-this year ay magkaroon na rin tayo ng teleradyo platform using cable TV so that mapalawak pa natin ang ating saklaw ng followers. Kasi kung walang silang radyo, siguro naman may selpon siya, doon maririnig nila tayo at mapapanuod. Isabay na rin natin ang teleradyo para yung mga nasa opisina ay nababalitan din tayo,” pagtatapos pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.