Cristine Reyes kinumpirmang annulled na kay Ali Khatibi

Cristine Reyes kinumpirmang annulled na kay Ali Khatibi

Therese Arceo |February 02,2024
facebook
share this

Cristine Reyes kinumpirmang annulled na kay Ali Khatibi

Therese Arceo - February 02, 2024 - 12:58 PM

Cristine Reyes kinumpirmang annulled na kay Ali Khatibi
INI-REVEAL ng aktres na si Cristine Reyes na tuluyan nang na-annul ang kasal nila ng dating asawa na si Ali Khatibi.

Naganap ang kanyang pag-amin nang mag-guest sila ng kanyang dyowang si Marco Gumabao sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes February 1.

Nang mausisa kasi kung sila Cristine at Marco kung napag-uusapan na nila ang kasal, inamin ng aktor na nasa point na sila na pinag-uusapan ang future together.

Matapos nito ay binalingan naman ng King of Talk ang aktres at may pabulong na tinanong.

Tila hindi naman na-gets ni Christine agad ang mapangahas ngunit pabulong na tanong ni Tito Boy.

Lalakasan ko na po. Alam mo naman hindi ito iba sa akin. Are you annulled?” tanong ng King of Talk.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes, Marco Gumabao pinag-uusapan na ang kasal, future together

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yes po, Tito Boy. Matagal na po. More than year na po,” nakangiting sagot ni Christine.

Giit ni Tito Boy, natanong niya ito sapagkat nauusisa na niya kung may planong magpakasal ang dalwa gayong hindi niya alam kung annulled na ang aktres sa dating asawa.

Pangangatwiran ni Christine, “Hindi ko naman siya in-announce, e. It’s not something I should celebrate.”

Si Ali Khatibi ang kanyang dating asawa at ama ng kanyang anak na si Amarah.

Ikinasal sina Christine at Ali sa Balesin Island noong January 27, 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipad ang dalawang taon ay lumabas ang chikang hiwalay na sila.

At ngayon ngang annulled na si Christine ay malaya na ito sa kung anuman ang tatahaking landas ng kanyang pakikipagrelasyon kay Marco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending