Cristine Reyes, Marco Gumabao pinag-uusapan na ang kasal, future together
MUKHANG malapit nang mag-next level ang relasyon ng celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao!
Sa naging panayam with King of Talk Boy Abunda, ibinunyag ng dalawa na unti-unti na nilang pinag-uusapan ang pagkakaroon ng married life together.
Diretsahang tanong ni Tito Boy, “Napag-uusapan na ang kasal?”
“Of course,” sagot ni Marco.
Paliwanag niya, “Basta ang usapan namin, ‘yung future together. Pero ‘yung details or kung ano, of course pakonti-konti.”
Kasunod niyan ay inusisa ng TV host ng programang “Fast Talk” kung annulled na si Cristine sa dating mister na si Ali Khatibi.
Baka Bet Mo: Cristine Reyes ‘wanted’, hinahanap ng American singer na si David Dimuzio
Pagbubunyag ng aktres, “Yes, more than a year [na]…Kasi Tito Boy, hindi ko rin naman siya in-announced. It’s not something I should celebrate.”
Kung matatandaan, March 2019 nang aminin ni Cristine sa isang interview na may pinagdaraanan sila ng dating mister, subalit hindi na niya direktang inamin ang patungkol sa kanilang hiwalayan.
Noong January 2018 nang unang lumabas ang chikang hiwalay na ang dating mag-asawa.
Taong 2016 nang ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding na ginanap sa Balesin at biniyayaan ng anak na si Amarah.
Sa ngayon, maayos ang co-parenting set-up nina Cristine at Ali sa kanilang anak.
At speaking of Amarah, nauna nang naikuwento ni Marco na magkasundo sila ng tsikiting lalo na’t nagkaka-bonding sila sa tuwing isinasama ng aktres ang anak sa trabaho.
Tanong sa kanya sa dating panayam, “nagpa-practice ka na ba maging tatay?”
“Siyempre,” sagot ni Marco.
“You know what, it’s fun. It’s also a sense of responsibility ‘diba. Kumbaga kung dati, ako medyo happy-go-lucky…Hindi na ako bumabata, tumatanda na ako,” chika niya.
Matatandaan noong Abril nang maging Instagram official sina Cristine at Marco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.