Sharon humiling ng dasal para sa karamdaman: 'I'm scared'

Sharon humiling ng dasal para sa nararanasang karamdaman: ‘I am scared’

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 05:21 PM

Sharon humiling ng dasal para sa nararanasang karamdaman: 'I am scared'

Sharon Cuneta

HUMILING ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta sa madlang pipol sa gitna ng iniindang karamdaman.

Ilang araw nang masama ang pakiramdam ni Shawie dahil sa hindi gumagaling na ubo at “bad congestion.”

Ibinalita ni Mega sa mga fans at social media followers ang estado ng kanyang health condition sa pamamagitan ng Instagram.

“Itong ubo ko duda ko na-inlab na sakin. Ayaw ako iwan. Bad congestion ayaw lumabas,” ang simulang caption ni Sharon sa kanyang IG post kung saan makikita ang image ng isang babaeng ubo nang ubo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Pagpapatuloy pa niya, “I am also scheduled for an MRI ASAP because my former MRI results from years ago showed that I have a torn ligament on my right knee, plus a pinched nerve in my lower back.

Baka Bet Mo: Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’

“I have scoliosis too which two hospitals saw when I had my lungs X-rayed. I need to know why now my pinched nerve has ‘traveled’ to the right side of my body and/or if I have any new injuries and such,” dagdag pang pahayag ng wifey ni Kiko Pangilinan.

Nagsimula raw ang pagsama ng kanyang pakiramdam noon pang magbakasyon sila sa South Korea para sa pagdiriwang ng birthday niya.

“I’ve been limping since our trip to Seoul from January 2-10 for my birthday and it’s just gotten worse so I am scared. May I ask for your prayers please?”

Nabanggit din niya ang pagbagsak niya noong bata pa siya mula sa sinasakyang kabayo. Feeling niya isa ito sa mga dahilan sa nararanasang health issues ngayong 50 plus na siya.

“I have been thinking of all the times I fell off a horse since I was younger before I made movies or during filming. Siempre pag bata ka, di mo pa nararamdaman tapos sisingilin ka pag tumatanda ka na.

“Haaay…Di ko na-experience ang end ng childhood ko at puberty phase ko kagaya ng mga normal na tao, kasi naging singer at artista na ako at pumapasok pa sa school. I kind of missed out on that all-important phase of my life but I loved my work so much!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“So feeling ko from my fangirling to my childlike attitude nowadays is for me ways to re-live and enjoy that phase of growing up kahit in small ways lang.

Baka Bet Mo: Kris tuloy pa rin ang pagpapagamot: Mahaba pa ang laban, my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School…

“Living vicariously through my children and by keeping my childlike attitude—from my faith in God to enjoying my ‘little girl/teenager’ self now that I’m much older keep me young!” sey pa ni Mega.

At ngayong two years na lang ay magiging senior citizen na siya, “Huhuhu gusto ko makipag-break sa katawan kong may mga aches and pains kasi nireremind ako lagi na 58 na ako! Haaaayy…

“Please, if you can pray for me? I pray that the MRI results won’t be too scary. And that this virus I caught anuman siya goes away na. I miss and love you all. Just resting a bit more.

“Please take care and thank you for all your loving messages always. I appreciate you all so much and think of you, my IG family. Go Sharmy! God bless you all. I love you!” ang kabuuang mensahe ni Sharon.

Nauna rito, excited namang ibinalita ni Shawie ang tungkol sa kanyang international project.

“From my U.S. management. I think I wanna do this! But waiting for my scheds pa here. Pag natuloy ito hay salamat malalayo ako ng konting tagal sa Pilipinas sama ko pamilya ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thinking hard and praying pa,” ang post ni Mega sa kanyang Facebook account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending