Antonette Gail magpapaturo ng sayaw kay Toni Fowler

Antonette Gail papaiyakin ang bashers, magpapaturo ng sayaw kay Toni Fowler

Pauline del Rosario |January 27,2024
facebook
share this

Antonette Gail papaiyakin ang bashers, magpapaturo ng sayaw kay Toni Fowler

Pauline del Rosario - January 27, 2024 - 10:41 AM

Antonette Gail papaiyakin ang bashers, magpapaturo ng sayaw kay Toni Fowler

Antonette Gail, Toni Fowler

MUKHANG may bagong pasabog na ihahanda ang social media influencer na si Antonette Gail para sa kanyang bashers.

Ayon sa kanyang recent Facebook post, balak niyang gumawa ulit ng dance cover.

“PAANO BA YAN BAKA PAG GUMAWA AKO NG DANCE COVER UMIYAK KAYO LALO HAHAHA [laughing emoji],” pang-aasar ni Antonette.

Ibinunyag din niya na ang nagtuturo sa kanya ng sayaw ay ang kapwa-influencer na si Toni Fowler.

Nag-request pa nga si Antonette, “Mommy Toni Fowler ‘yung malupit na ‘yung ituro mo sakin [laughing emoji].”

Baka Bet Mo: Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Pero bago ‘yan, sinupalpal ng socmed star ang kanyang bashers at haters sa naunang FB post.

Ayon sa kanya, sila naman ang gumastos sa bonggang birthday party ng kanyang anak kaya pwede nilang gawin kung ano ang gusto nila.

“Ang dami niyong pinoproblema, basta kami masaya kami at nairaos namin yung birthday ng anak namin [red heart emoji],” sey niya sa post.

Sambit pa niya, “Kami ang masusunod kung ano ang gusto namin gawin first of all own money namin ‘yun pinaghirapan namin ‘yun, magsalita ka kapag may hiningi kami sayo. okay?”

“Lahat nalang pinoproblema niyo, lahat nalang ginagawan niyo ng issue kaya hindi talaga umaasenso mga tao sa Pinas eh,” patuloy niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa niya, “Mas inuuna makialam sa problema ng iba bago unahin sarili nila. 2024 na ganyan padin mindset niyo?”

Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang naging sexy dance performance ni Antonette para sa pagdiriwang ng first baby ng anak nila ni Whamos Cruz na kung saan marami ang nagsasabi na hindi angkop at nabahiran ng “kalaswaan” ang sana’y wholesome na bonggang birthday party ng kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending