WATCH, NOW NA: Ancient Korean paintings binuhay sa digital art exhibit ng KCC
KASABAY ng pagdiriwang ng 75 years of friendship ng Korea at Philippines, naglunsad ng bonggang digital art exhibit ang Korean Cultural Center (KCC) sa Taguig tampok ang ancient Korean paintings.
Tampok diyan ang apat na ancient Korean paintings mula sa pa sa panahon ng Joseon Dynasty.
Apat na traditional paintings ang inihanda ng KCC para sa immersive videos.
Una na riyan ang “Endless Mountains and Rivers: A Prosperous World Unfolds in Nature” na masterpiece ni Yi Inmun, isang royal court painter ng Joseon Dynasty.
Ang kanyang obra ay may haba na 8.5 meters na inilarawan kung gaano kapayapa ang pamumuhay ng mga tao noon sa South Korea.
Nariyan din ang “Royal Procession with the People” na opisyal na nakarehistro bilang UNESCO Memory of the World.
Base ito sa tinatawag na “Uigwe,” isang unique record of Korea’s heritage kung saan nakadokumento ang mahigit 500 years ng mga isinagawang royal ceremonies sa ilalim ng Joseon Dynasty.
Nakasentro sa obra ang dalawang major events –ang 1795 precession ng ika-22nd King ng nasabing dynasty na si King Jeongjo noong 1776 hanggang 1800, at ang mga kaganapan sa mga pagtitipon two centuries ago.
Isa rin sa featured works ang “Pillars of Divinity, Chongseok Rocks” isang 8.8 meter long painting na ipinagawa ni Emperor Sunjong ng Korean Empire (1897-1910) para magsilbing dekorasyon sa kanyang opisina sa Changdeokgung Palace.
Ang itinampok sa painting ay ang scenic view na matatagpuan sa Gangwondo Province, isang renowned scenic attraction sa area ng Geumgangsan Mountain.
At ang panghuli sa immersive art ay ang “Peonies in Bloom,” mga bulaklak na namumulaklak lang tuwing tagsibol.
Ang simbolo ng Peonies para sa Korea ay “wealth” at “prosperity.”
Ginagamit ang mga nasabing bulaklak bilang palamuti sa royal ceremonies kaya tinatawag din itong “king of flowers.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.