Janno Gibbs umaming ‘almost 1 year’ nang hiwalay ang mga magulang
NAG-SHARE ang TV host-comedian na si Janno Gibbs tungkol sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Ronaldo Valdez at Maria Fe Gibbs.
Kinumpirma ng veteran comedian ang tungkol dito nang ma-interview siya sa “Kapuso Mo Jessica Soho” nitong nagdaang Linggo ng gabi, January 21.
Dito, naging bukas si Janno sa pagkukuwento hinggil sa kinauwian ng ilang taong pagsasama ng kanyang parents.
“Alam na naman ng karamihan, at least, not everybody, it’s almost been a year na my dad and my mom have been separated.
Baka Bet Mo: Pelikula ng mag-amang Janno, Ronaldo ipapalabas pa rin kaya sa Enero?
“After that happened, almost one year nang nakatira sa akin ang dad ko. I’ve been taking care of him,” ang sabi ni Janno kay Jessica.
Hindi na nagdetalye ang komedyante kung paano at bakit naghiwalay sina Ronaldo at Maria Fe pero nagbahagi siya ng ilang impormasyon tungkol sa Amerikanong tatay ng kanyang namayapang ama.
View this post on Instagram
Matagal din daw hinanap ni Ronaldo ang kanyang ama noon, “Not a lot of people know this, ang daddy ni Ronaldo Valdez, Gibbs siya talaga. He never met his father, parang G.I. baby ang tawag natin.
“All his life, he was looking for his dad, si James Gibbs. He would do searches, e, noon mahirap. Wala pang Internet.
“Until two decades ago or more, finally, may nagsabi sa kanya na, ‘Nahanap yung father mo sa States.’
“So, sinulatan niya. Sumulat sa kanyang pabalik na, ‘Sorry, I have a family already here in the States.’
“Sinabi ng daddy ko na, ‘I’m not after anything. I’m doing really well here in the Philippines. I just want to meet you.’
“So, nagkita sila. Ano na, ‘I had a kid already. Ganoon na kalayo. Meron na akong panganay.’ That was very fulfilling to him.
“Hindi alam ng marami na so late na in his life na nakilala niya yung father niya. It closed a lot of doors for him. And we even got to meet our lolo,” pagbabahagi pa ni Janno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.