'Room Service', 'Palipat-lipat, Papalit-palit' bakbakan sa hubaran

‘Room Service’, ‘Palipat-lipat, Papalit-palit’ bakbakan sa hubaran

Ervin Santiago |January 23,2024
facebook
share this

‘Room Service’, ‘Palipat-lipat, Papalit-palit’ bakbakan sa hubaran

Ervin Santiago - January 23, 2024 - 07:15 AM

'Room Service', 'Palipat-lipat, Papalit-palit' bakbakan sa hubaran

Shiena Yu, Angelo Ylagan at Denise Esteban

MGA nakagugulat at nakakaiskandalong sexcapades sa hotel ang babandera sa pelikulang “Room Service” ni direk Bobby Bonifacio, Jr. sa Vivamax ngayong Enero.

Masasabing “first day high” ang mararanasan ni Carol (Shiena Yu) sa kanyang unang araw bilang room attendant sa 3-star hotel dahil bubungad agad sa kanya ang pagtatalik ng dalawang hotel guest nang makita niyang bukas ang pinto ng kanilang kwarto.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakita niya ang lalaki at noong una pa lang ay natipuhan na niya ito.

Baka Bet Mo: Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’

Sa paglipas ng mga araw, naobserbahan ni Carol na iba’t ibang babae ang dinadala ni Michael (Angelo Ilagan) sa kanyang kwarto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Denise Esteban (@deniseesteban_)


Lalong lumalalim ang pagnanasa niya kay Michael kahit na meron siyang nobyo – si Arvin (Nathan Cajucom), pero nakukulangan siya sa kanilang sex life.

Pinagpapantasyahan ni Carol na makapiling si Michael, hanggang sa dumating na nga ang araw na inimbitahan siya ni Michael sa kanyang kwarto.

Sa kanilang pagsasama magaganap ang  rebelasyon tungkol sa tunay na katauhan ni Carol at sa mga sikreto ni Michael.

Streaming na ang “Room Service” sa Vivamax.

Para tapatan ang intensity na hatid ng “Room Service” ay may isa pang sex-drama Vivamax Original Movie na una ring offering ng cult director na si Roman Perez Jr.’s ngayong 2024.

Yan ang “Palipat-lipat, Papalit-palit” na pinagbibidahan nina Denise Esteban, Aiko Garcia, at Victor Relosa. Panoorin ang kwento kung paano magugulo ang buhay ng mag-asawa na namumuhay ng payak at payapa sa pagdating ng isang misteryosa at nakakaakit na dalaga.

Baka Bet Mo: Zeinab shookt nang matanggap ang mga mamahaling regalo mula kay Bobby Ray

Sina Edna (Denise Esteban) at Larry (Victor Relosa) ay mag-asawang masayang namumuhay ng simple sa probinsya habang nagtatrabaho sa kanilang tahungan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelo Ilagan (@angeloilagan2023)


Pero lahat ‘yon ay magbabago nang isang araw ay makita nila ang isang walang malay na babae (Aiko Garcia) na may hawak na puting bimpo sa kanilang tahungan. Tutulungan nila ang babae at iuuwi sa bahay.

Malalaman nila kalaunan na Amy ang pangalan nito at naaksidente siya at ang kanyang asawa nang masira ang sinasakyang bangka habang nasa laot at siya ay inanod papunta sa tahungan.

Aalagaan nina Edna at Larry si Amy at tutulungan na maka-recover, at sa paglipas ng mga linggo at buwan ay magiging komportable sa iisang bubong ang mag-asawa at si Amy.

Pero ang maganda nilang samahan ay magiging komplikado nang magsimulang mahulog si Amy sa kakisigan at kabaitan ni Larry.

Aakitin ni Amy si Larry na hindi naman matatanggihan ng lalaki, magpapadala sila sa bugso ng damdamin at magtataksil kay Edna.

Matutuklasan din ni Edna ang lihim na relasyon nina Larry at Amy pero hindi niya makakayanang palayasin si Larry, si Larry naman ay hindi rin gusto na lumayo si Amy.

Para umayon ang mga bagay sa kanilang tatlo, may mapagkakasunduan silang hindi normal na plano at baluktot na prinsipyo – tuwing gabi pagtapos ng hapunan, pipili si Larry kung sino kina Edna at Amy ang lalagyan niya ng puting bimpo sa balikat, kung sino ang lagyan niya ay siyang makakasama niya buong magdamag.

Matagalan kaya nila ang ganitong kasunduan at mabuhay nang payapa na magkakasama? O isa kina Edna at Amy ang bibigay, magwawala, at magagalit sa pinasok nilang kalagayan?

Hanggang kailan magpapapalit-palit si Larry sa dalawang babae sa buhay niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alamin ang mga nakakagulat pang tagpo sa pakontrobersyal na Palipat-lipat, Papalit-palit”,  streaming na rin ngayon sa Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending