Jillian pwede nang magkagusto sa lalaki, pero

Jillian pwede nang magkagusto sa lalaki: Pero ang focus ko career at family

Ervin Santiago |January 22,2024
facebook
share this

Jillian pwede nang magkagusto sa lalaki: Pero ang focus ko career at family

Ervin Santiago - January 22, 2024 - 12:30 AM

Jillian pwede nang magkagusto sa lalaki: Pero ang focus ko career at family

Jillian Ward at Matthew Uy

PWEDE naman daw magkaroon ng crush at magkagusto sa guy ang Kapuso young actress na si Jillian Ward dahil nasa tamang edad na rin naman daw siya.

Pero mas gusto raw munang mag-focus ng lead star ng Kapuso hit afternoon series na “Abot-Kamay na Pangarap” sa kanyang career at pamilya.

Natanong kasi si Jillian kung totoong may co-star siya sa “Abot-Kamay na Pangarap” na nanliligaw ngayon sa kanya.

“Secret! Ha-hahaha! Pero basta kaming lahat po sa set ngayon, masaya po kaming lahat. Talagang full of love,” ang chika ni Jillian sa ulat ng “24 Oras” sa GMA 7.

Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’

Nausisa rin ang Afternoon Prime Drama Princess tungkol sa napakaliit niyang bewang base na rin sa kanyang mga social media post, partikular na sa Instagram.

“Ako po kasi, kapag nagda-diet ako, talagang lumiliit po ‘yung bewang ko. Pero siyempre, may mga days din na bloated.

“Pero ayun nga, para sa’kin, mas importante na po ngayon ‘yung healthy ako at tsaka, basta ayun, healthy and happy,” chika pa ni Jillian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hajie Alejandro (@hajie_alejandro)


In fairness, mukhang magtatagal pa sa ere ang top-rating GMA afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” kung saan kasama rin sina Ken Chan, Carmina Villaroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Samantala, inamin naman ng baguhang Sparkle actor na si Matthew Uy na natulala siya at hindi nakapagsalita nang makita ang kanyang longtime crush na si Jillian.

Sumabak ang binata sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” at isa sa mga naitanong sa kanya ni Tito Boy ay, “Sino si Jillian Ward sa buhay mo?”

“Si Jillian Ward po matagal ko na po siyang crush before pa po ako mag-showbiz,” ang kinikilig na sagot ni Matthew.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang na-starstruck po ako di po ako makapagsalita sa harap niya. Ano po parang nag-frozen po ako. Sabi ko lang po, ‘Hi,’” sabi pa ng binata na napapanood ngayon si Matthew sa “Sparkle U” series na “Soundtrip” kasama sina Althea Ablan, Zephanie at Michael Sager.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending