Enrique Gil umaasang maging sila uli ni Liza Soberano, how true?

Enrique Gil umaasang maging sila uli ni Liza Soberano, how true?

Therese Arceo |January 20,2024
facebook
share this

Enrique Gil umaasang maging sila uli ni Liza Soberano, how true?

Therese Arceo - January 20, 2024 - 05:41 PM

Enrique Gil umaasang maging sila uli ni Liza Soberano, how true?

Enrique Gil at Liza Soberano

TRULILI kaya ang chika na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Kapamilya actor na si Enrique Gil na muli silang magkakabalikan ng ex-dyowang si Liza Soberano?

Base kasi sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Biyernes, January 19, muling inihayag ng dating talent manager ni Liza na wala na talaga ang LizQuen.

Ito ay matapos mabanggit sa show ang upcoming movie nina Enrique ngayong Pebrero.

“Nay, kumusta ba sila? Sila ba ang magka-date sa Valentine’s?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Sagot naman ng talent manager, “Naku, imposible ‘yan. Syempre, unang-una wala na sila [Enrique at Liza].”

Gulat na tanong naman ni Mama Loi, “Ay, confirmed?”

Baka Bet Mo: Enrique Gil kay Liza Soberano: I’ll always have your back no matter what

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Chika naman ni Ogie, “Wala na naman talaga sila. Ano ka ba naman? Kung lalabas sila, as a friend lang.”

May nakarating ring chika sa talent manager na umaasa pa rin si Enrique na magka-second chance sila ni Liza.

“Alam mo, mayroon lang nakarating sa akin. Quen [Enrique] is still hoping na maging sila ulit ni Liza. Na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Quen si Liza. And he is still waiting,” sey ni Ogie.

“‘Yan lang naman ‘yong nakarating sa akin. Na parang si Quen daw ay waiting lang for Liza’s call. Kung aayain siya, kung lalabas sila, or whatever. Kung may problema siya, andyan lang siya. Parang ‘I got your back’,” dagdag pa niya.

Ngunit kung ang tatanungin raw ay ang nararamdaman ni Liza para kay Enrique, ito ang hindi sigurado si Ogie.

“Si Quen ang may feelings kay Liza hanggang ngayon. Si Liza ay hindi natin alam. Kung si Liza ay mayroon na ring iniirog or ang iniirog ni Liza ay ang kaniyang Hollywood career o ‘yong kaniyang goal na maging Hollywood star,” sabi pa ni Ogie.

Matatandaang sa kabila ng mga chikang break na sina Liza at Enrique, may sweeet birthday greeting pa rin ang binata para sa dating ka-love team.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon naman ay wala pa ring diretsahang pahayag ang kampo ng dalawa hinggil sa kanila umanong paghihiwalay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending