Jillian Ward nakatanggap ng singsing, 'engaged' na sa isang faney

Jillian Ward nakatanggap ng singsing, ‘engaged’ na sa isang faney

Therese Arceo |January 19,2024
facebook
share this

Jillian Ward nakatanggap ng singsing, ‘engaged’ na sa isang faney

Therese Arceo - January 19, 2024 - 09:21 PM

Jillian Ward nakatanggap ng singsing, 'engaged' na sa isang faney

Jillian Ward

ALIW na aliw ang madlang netizens sa naging marriage proposal ng isang lalaki sa Kapuso actress na si Jillian Ward.

Naglibot kasi ang aktres sa Navotas City bilang bisita sa nagdaang foundation day ng naturang lungsod.

Sa katunayan, isang video ang ibinahagi ni Jillian nitong Martes, January 16, makikitang may grupo ng kalalakihan na may buhat buhay na isang lalaki habang hawak ang “engagement ring” na ibibigay sa kanya.

Makikita namang hindi tumanggi ang aktres nang iabot sa kanya ang singsing at walang alinlangang inilahad ang kamay sa lalaki para maisuot nito ang singsing sa kanyang daliri.

Napag-alamang isa palang metal gasket ang ibinigay na singsing ng lalaki.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi nadamay sa viral ‘kilikili’ ni Jillian Ward, anyare!?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pabirong caption ni Jillian, “May kalawang pa eh.”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang netizens ang video post ng Kapuso actress.

“Grabe ang isang Jillian Ward, napakabait [emoji],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “WHAHAHAHAHAHA WHY NAMAN BINIGYAN NG SINGSING NA MAY KALAWANG”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Panis ‘yung 299 viral ring kay Kuya hahaha,” sey naman ng isa.

“aanhin mo naman kasi yuh mamahalin na sing-sing kung walang sincerity,” hirit pa ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending