3 katao kulong sa pamimirata ng 'Rewind', Star Cinema nagbanta

3 katao kulong sa pamimirata ng ‘Rewind’, Star Cinema, APT nagbanta

Ervin Santiago - January 16, 2024 - 08:37 AM

3 katao kulong sa pamimirata ng 'Rewind', Star Cinema, APT nagbanta

Dingdong Dantes at Marian Rivera

BINANTAAN ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures ang mga nagpapakalat ng piniratang version ng “Rewind.”

Kalat na kalat na kasi ngayon sa social media, kabilang na ang Facebook, ang mga pirated copy ng pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang “Rewind” ay isa sa 10 official entry sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2023 at showing pa rin ito sa mga sinehan nationwide.

Baka Bet Mo: DongYan hinintay ng Star Cinema para sa ‘Rewind’: ‘Sila ang first choice’

Ito rin ang sinasabing highest-grossing film sa MMFF 2023  (mula December 25 to January 7), base sa unofficial tally.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dahil sa grabehang pamimirata sa pelikula, naglabas na ng official statement ang mga producer nito kung saan nagbigay nga sila ng warning sa mga pirata.

Tuloy-tuloy pa rin daw ang pagpapatanggal nila ng  illegal copies ng pelikula online, websites at social media platforms, kabilang na ang FB at TikTok.

Baka Bet Mo: Ryan naglabas ng ‘resibo’ para patunayang istrikto pa rin ang ‘Eat Bulaga’ sa paglaban sa COVID-19

“Mariing tinututulan ng mga producer ng Rewind ang anumang uri ng pamimirata.

“Ang Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures ay kasalukuyang gumagawa ng mga legal na aksyon laban sa mga indibidwal na nakikiisa sa anumang uri ng pagbebenta, pagpo-post, at pagshe-share ng pelikula,” ang bahagi ng official statement.

“Ang sinumang mapatunayang lumabag sy haharap sa parusang aabot ng siyam (9) na taong pagkakakulong at pagmumultahin ng hanggang isang milyon at limang daang libong piso (P1,500,000),”  sabi pa ng mga naturang production companies.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa bahagi naman ng MMFF 2023 organizers, ibinalita nilang may tatlong tao na silang nahuli dahil sa pamimirata at nakakulong na ang mga ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending