Ellen Adarna bet ma-achieve ang katawan ni Miley Cyrus

Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

Pauline del Rosario |January 15,2024
facebook
share this

Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

Pauline del Rosario - January 15, 2024 - 11:09 AM

Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

IBINANDERA ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang goal para sa taong 2024!

Ayon sa kanya, nais niyang makuha at magaya ang hubog ng katawan ng sikat na international singer na si Miley Cyrus.

Sa serye ng kanyang Instagram Stories, ipinakita ni Ellen ang ilang litrato ni Miley na nais niyang ma-achieve.

Ipinost din niya ang kanyang paghahanap ng fitness instructor na makakatulong upang matupad ang kanyang dream body sa loob lamang ng anim na buwan.

“Looking for a fitness instructor (home training/home service) who can help me get a Miley Cyrus body in 6 months,” panawagan niya sa IG.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna sinopla ang nagsabing ‘anti-gay’ siya: Kung gusto mo block kita!

Sey pa niya, “Diet is not a problem for me – lifting WEIGHT IS [laughing emoji].”

“Medyo same naman ng slight ‘yung built namin [laughing emoji] I promise I’ll be a good client and will follow [everything],” ani pa ng aktres.

Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

Sa sumunod na post, ipinakita niya ulit ang picture ng international singer at sinabi na seryoso siya sa gusto niyang mangyari.

Caption niya, “Yes. Ganyan. Like this. I am very driven and serious.”

Ellen Adarna bet ang katawan ni Miley Cyrus, naghahanap na ng fitness instructor

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

Sinagot din ni Ellen ang ilang suggestions ng netizens na ang kanyang mister na si Derek Ramsay nalang ang gawin niyang fitness instructor.

Iginiit ng aktres na hindi siya papayag dahil mag-aaway lang daw sila.

Sambit niya, “And to everyone telling me si Derek nalang – NO.”

“We will just end up fighting [laughing emoji] it’s my Me time [squinting face with tongue emoji],” paliwanag ni Ellen.

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

PHOTO: Instagram Stories/@maria.elena.adarna

Magugunita noong nakaraang taon nang mag-trending ang naging opinyon ni Ellen kaugnay sa “situationship.”

Inilarawan niya itong confusing at masakit sa bangs, katulad ng iba’t-ibang pronouns ngayon ng LGBTQIA+ community.

Magugunita na dahil sa sinabi ni Ellen ay nakatanggap siya ng open letter mula kay Miss Trans Global 2020 Mela Habijan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabihan siya ni Mela na kung siya ay may “true compassionate” at respeto ay susubukan niya itong intindihin at pag-aralan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending