Ellen Adarna nagka-anxiety matapos mabunyag na nakunan siya

Ellen Adarna matapos mabunyag na nakunan siya: ‘It gave me anxiety!’

Pauline del Rosario |December 23,2023
facebook
share this

Ellen Adarna matapos mabunyag na nakunan siya: ‘It gave me anxiety!’

Pauline del Rosario - December 23, 2023 - 11:50 AM

Ellen Adarna matapos mabunyag na nakunan siya: 'It gave me anxiety!'

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

NAKARAMDAM ng anxiety ang aktres na si Ellen Adarna matapos ibunyag ng kanyang mister na si Derek Ramsay na nakunan siya sa panganay sana nilang anak.

Ito ang inamin mismo ni Ellen sa isang Instagram Story matapos siyang kamustahin ng isang fan sa pamamagitan ng Q&A feature ng photo and video sharing app.

“I’m okay. I had no plans to announce it, to be honest. And if ever, I’m not going to announce it,” sagot ng aktres.

Patuloy niya, “Ma-shock na lang kayo na may baby na. But my husband can’t shut his mouth.”

“The day he told me that he mentioned me and talked about it, it actually gave me anxiety, ’cause, oh my god, why?” sey niya.

Dagdag pa niya, “So my plan is that when I get pregnant, I’m not going to tell my husband.”

Baka Bet Mo: Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Magugunitang naikuwento ni Derek sa media conference ng pelikulang “Kampon” na kasali sa 2023 Metro Manila Film Festival na nakabuo sila ng baby makalipas ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, pero sa kasamaang-palad nakunan ang aktres at celebrity mom habang nasa bakasyon sa ibang bansa.

“Noong nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen, but unfortunately we lost the baby,” kwento ng aktor.

Ang silver lining naman daw na nakikita nilang mag-asawa after what happened ay napatunayan nila na pwede pa silang makabuo at hindi sila “baog.”

Saad niya, “At least nalaman namin na hindi kami baog. First attempt pa lamang namin na gumawa ng baby. Ellen is okay.”

“It was very early on in the pregnancy. But she’s okay. Hindi niya kailangang magpa-confine, or magparaspa, whatsoever,” dagdag niya.

Ani pa niya, “So, hopefully next year, makabuo na uli kami. I’m leaning towards having a baby girl.”

Sa mga naunang interview ni Derek, sinabi niya na siya ay magse-semi retiring sa showbiz dahil hindi raw niya kayang mawalay sa kanyang pamilya.

Taong 2021 naman nang ibunyag ni Ellen na tatlong taon na siyang cigarette-free upang maging handa ang kanyang katawan sa pagbubuntis.

Matatandaan noong February 2021 ay kinumpirma ng couple na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ang isang buwan ay nag-propose na ng kasal si Derek kay Ellen at noong November 2021 ay ikinasal na ang dalawa sa Bataan.

Makaraan ang isang taon ay muling ikinasal sina Ellen at Derek sa Peru at tinatawag itong “Peruvian despacho ceremony.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending