Direk Lauren pinagsisihan ang hindi pagdalo sa kasal ni Robi, bakit kaya?
ISA sa mga ginawang ninong sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ay ang Head of ABS-CBN TV Production at Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi, pero bakit nga ba hindi siya sumipot?
Sa Instagram, nagkaroon ng personal update si Direk Lauren at dito niya ipinaliwanag kung bakit hindi siya nakapunta sa special day ng TV host.
Ayon sa kanya, tinamaan siya ng COVID-19 at kasalukuyan siyang naka-isolate simula pa noong January 5.
Ibinandera pa nga niya ang selfie na ipinapakita ang “positive” result ng pagkakaroon ng nasabing virus.
Sabi pa niya, ayaw sana niyang umpisahan ang kanyang pag-post ng may sakit, pero paalala na rin daw ito na kailangan niyang gawing priority ang kalusugan ngayong 2024.
“With a hectic and stressful last quarter schedule in 2023, I guess my aging body is now forcing me to slowdown and rest. Good thing I am the only one in our home who got the virus,” pagbabahagi niya sa IG.
Baka Bet Mo: Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon…sa hirap at ginhawa
Kasunod niyan ay inamin nga niya na pinagsisihan niya ang hindi pagdalo sa kasal nina Robi at Maiqui.
“My only regret was not being able to attend Robi & Maiqui’s wedding,” wika ni Direk Lauren.
Mensahe pa niya, “Apologies to my new inaanaks. Promise to catch up with you this January. Wishing you a blissful marital life!”
View this post on Instagram
Sa comment section, bumuhos ang “get well wishes” ng ilang artista at kabilang na riyan sina Jugs Jugueta, Chie Filomeno, Nikki Valdez, Vina Morales, Jed Madela, RK Bagatsing, Bianca Gonzalez, Jolina Magdangal, at marami pang iba.
“Direk!!!! Please get well soon!” komento ni Jolina.
Sey naman ni Bianca, “We love you Lolo!!!! [red heart emoji] Get well soonest! We will visit you soon!!!”
Noong January 6 nang maganap ang private at intimate wedding nina Robi at Maiqui sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Ilan sa mga naging principal sponsors sa kasal ay sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Laurenti Dyogi, aktor na si Piolo Pascual, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, celebrity doctor na si Vicki Belo, and former Vice President Leni Robredo.
Matatandaan noong November 2022 nang mag-propose si Robi sa kanyang longtime partner habang sila’y nagbabakasyon sa Japan kasama ang iba pang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Zanjoe Marudo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.