Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante 'yung mga kasama ko ngayon...sa hirap at ginhawa | Bandera

Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon…sa hirap at ginhawa

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 02:31 PM

Lauren Dyogi at ang ilan sa mga Kapamilya stars na nag-renew ng kontrata sa Star Magic

HINDI man diretsahang sinabi ni ABS-CBN TV Production and Star Magic head Lauren Dyogi, mukhang hindi muna bibigyan ng chance na makabalik ang mga artistang nag-alisan sa ABS-CBN.

Ayon kay Direk Lauren, mas gusto nilang mag-focus muna ngayon sa mga Star Magic artists na hindi umalis sa network sa kabila ng pagpapasara sa ABS-CBN at sa patuloy na banta ng pandemya. 

Natanong kasi ang TV executive sa naganap na Kapamilya Strong 2022 mediacon kagabi, Feb. 23 kung may puwang o lugar pa ang mga celebrities na lumipat na sa ibang network.

“Unang-una, I would always respect the decision of every individual kasi hindi ko naman hawak iyong buhay ng bawat isa sa kanila.

“I mean, they made their decisions based on their lives’ circumstances, hindi na natin maaano iyon, hindi ko makukuwestiyon iyon kung may pangangailangan sila o may plano sila sa buhay na sa tingin nila, hindi maibibigay ng ABS at Star Magic. That’s their option,” paliwanag ni Direk Lauren.

View this post on Instagram

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Patuloy pa niyang paglilinaw, “But I also like to say na para sa akin, mas importante iyong mga kasama ko ngayon dito.

“I don’t like to even spend my energy and my time thinking about who left because they’ve decided to move on and left.

“I’d like to pour my energy and my focus and my love to the ones who are here kasi iyon naman ang importante, e, iyong kasama mo ngayon sa hirap at ginhawa,” lahad pa niya.

Matapos nga raw ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN, maraming realizations si Direk Lauren pati na ang iba pang bossing ng istasyon.

“The loss of the franchise gave us a lot of insight into what’s important in our lives and who are the people who are also important and who value that relationship. So iyon muna iyong tinitignan ko,” chika pa niya.

Ipinagdiinan naman ng Star Magic head na hindi rin niya kontrolado ang mga maaaring mangyari sa mga darating pang panahon, “In the future, I can’t say. Sino ba tayo? We don’t know what the future is, what’s there.

“Maliit lang naman ang industriya ng entertainment, so hindi ako magsasalita nang tapos na it’s for good na never ulit magkakasama, di ba?

“But for now, ABS will focus and Star Magic will focus on the artists who decided to stay and be with us and journey with us and commit to be part of this very interesting and very challenging times.

“Pero alam natin na pagkatapos nito, I think we’ve gone through the worse already, paahon na kami, exciting times are just ahead,” sabi pa ni Direk Lauren. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong 2022, ipagdiriwang ng Star Magic ang kanilang 30th anniversary at kasabay nga nito ang muling pagpirma ng mga loyal Kapamilya artists tulad nina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Gerald Anderson, Sam Milby, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending