Michael V nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist na si ‘Maria’

Bitoy, Betong Sumaya nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist na si ‘Maria’

Pauline del Rosario |January 05,2024
facebook
share this

Bitoy, Betong Sumaya nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist na si ‘Maria’

Pauline del Rosario - January 05, 2024 - 10:20 AM

Bitoy, Betong Sumaya nagluluksa sa pagpanaw ng makeup artist na si ‘Maria’

Bitoy, Betong Sumaya, Mario Bernardino

ILANG araw matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon, tila nawasak ang puso ng batikang komedyante na si Michael V sa pagpanaw ng kanyang long-time makeup artist na si Mario Bernardino o mas kilala bilang si “Maria.”

Para sa kaalaman ng marami, mahigit dalawang dekada ang pinagsamahan ng dalawa kaya talaga namang nalulngkot si Bitoy sa nangyari.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng komedyante ang ilang throwback pictures nila at proud na sinabing si Maria ang nasa likod ng mga karakter na ginampanan niya, lalo na sa comedy show na “Bubble Gang.”

“Madalas n’yo ’kong makita na naka-character sa mga shows, print ads at TV Commercials na ginagawa ko. All this time, ang makeup artist at hairstylist ko is this wonderful human being named Mario Bernardino or ‘MARIA’ for short,” pagmamalaki ni Michael V. sa kanyang post.

Kwento niya, “Matagal na kaming magka-tandem ni Maria; more than 25 years na. When I look my best and when I look like someone else, Maria has always been behind those looks.”

“Marami kaming nagmamahal at malulungkot sa industriya ngayong wala ka na. May you rest in peace,” malungkot na mensahe ng komedyante.

Baka Bet Mo: Joey de Leon pumalag sa mga bashers, Michael V. nadamay: ‘Mahirap na ngayong magpatawa, marami na ngayong namumuna’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Maliban kay Bitoy, nagpaabot din ng pakikiramay sa isang Facebook post ang isa pang komedyante na si Betong Sumaya.

Ayon kay Betong, sampung taon niya nakasama sa trabaho si Maria at siya rin daw ang gumawa sa mga naging looks ng kanyang karakter sa “Bubble Gang.”

“Maraming salamat Inay Maria sa lahat [folded hands, crying emojis] Isang pagpupugay po sa napakagaling, napakabait at napakamasayahin na make-up artist ng GMA lalung-lalo na sa Bubble Gang [crying emoji],” wika niya.

Chika pa niya, “Siya ang utak at may pasimuno sa hitsura ni Antonietta, Mamaw, Nanay Sarap at iba pang karakter na aking ginampanan sa Bubble Gang [crying emoji].” 

“Salamat po sa friendship, masayang kuwentuhan habang minamake-upan ninyo ako, sa pagpapalakas ng loob sa akin at mga payo sa buhay sa loob ng 10 taon na nakasama ko kayo [crying emoji],” ani niya.

Bandang huli ay hinikayat ni Betong ang publiko na ipagdasal ang namayapang makeup artist, pati na rin ang pamilyang naiwan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Guys let’s pray for his soul [folded hands emoji] Let’s also pray for strength and guidance para sa pamilyang kanyang naiwan [folded hands emoji]  Muli Nay Maria maraming salamat at sobrang mami-miss po namin kayo [folded hands,crying emojis],” panawagan niya sa publiko.

Ilan pa sa mga artista na nagbibigay-pugay sa yumaong makeup artist ay sina Manilyn Reynes, Jackie Lou Blanco, Juancho Trivino, Valeen Montenegro, EA Guzman, Mikael Daez, Dawn Zulueta, Ogie Alcasid, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending