Betong Sumaya sa 1st monthsary sa 'Eat Bulaga': Salamat po sa patuloy na naniwala | Bandera

Betong Sumaya sa 1st monthsary sa ‘Eat Bulaga’: Salamat po sa patuloy na naniwala

Therese Arceo |July 04,2023
facebook
share this

Betong Sumaya sa 1st monthsary sa ‘Eat Bulaga’: Salamat po sa patuloy na naniwala

Therese Arceo - July 04, 2023 - 11:13 PM

Betong Sumaya sa 1st monthsary sa 'Eat Bulaga': Salamat po sa patuloy na naniwala

LUBOS ang pasasalamat ng Kapuso host at komedyanteng si Betong Sumaya sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa bagong “Eat Bulaga”.

Matapos ang pagbibitiw ng TVJ at ng iba pang mga legit dabarkads sa longest noontime program ay isa ang komedyante sa mga pumalit na host sa naturang show.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Betong ang kanyang pasasalamat sa lahat ng taong nanatili at sumuporta sa kanila.

“To GOD always be the glory,” panimula niya.

Pagpapatuloy ni Betong, “Amazing 1st Monthsary po sa atin mga Ka-EB. Salamat po sa mga patuloy na naniwala, sumuporta at nagmamahal sa ating show.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Betong Sumaya biglang hinarang ng security guard sa GMA 7: Akala niya siguro utility man ako

Nangako ang komendyante na mas gagalingan pa nila para sa kanilang mga manonood.

“Pagsisikapan namin na gawin pang maayos ang aming mga trabaho para patuloy na magbigay ng saya at pag asa sa nga manonood,” sey ni Betong.

Nitong Sabado, July 1, buong Pilipinas ang tumutok kung ano ang magiging pasabog ng mga noontime shows dahil pilot episode ng TVJ sa TV5 at ang paglipat ng “It’s Showtime” sa GTV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una nang nagpahayag noon sina Betong ng kanilang kasiyahan sa pagdating ng Kapamilya show sa Kamuning at hiling rin nila na sana ay magkasalubong at excited na rin sila sa pagdating ng mga Kapamilya sa Kapuso network.

Related Chika:
JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’

Kuya Kim hindi pwedeng maging host ng bagong ‘Eat Bulaga’, netizens ipinagtanggol sina Paolo, Betong at Buboy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending