Regine ayaw nang mag-worry sa mga bagay na hindi niya kontrolado
HUGOT na hugot ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pamamaalam niya sa 2023 at sa pag-welcome sa 2024.
Feeling ng OPM icon, mas bumilis pa raw ang pagtakbo ngayon ng panahon dahil hindi niya namamalayan ang ibang mga kaganapan sa kanyang paligid.
Idinaan ng wifey ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid sa kanyang X account (dating Twitter) ang mensahe niya sa pagtatapos ng 2023 at sa pagpasok ng Bagong Taon.
“January 1 ang bilis no? This year try ko lang maging present (mentally) sa lahat ng gagawin ko,” simulang pagbabahagi ni Regine.
“I don’t know time’s so fast I feel like I’m missing out on a lot of important things in my life. Parang lagi akong tulog ba.
View this post on Instagram
“But I have to say daming blessings last year thank you Lord,” dagdag pa ng Songbird.
Baka Bet Mo: Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!
Promise naman niya sa sarili, stop muna siya sa pagwo-worry sa mga bagay at kaganapan sa kanyang buhay at career na hindi na niya kontrolado.
“So again I shall try my very best to be more aware or awake this year so I can enjoy life more.
“Maybe I should stop worrying about things that I cannot control. So I can best enjoy God’s blessings more. Happy New Year to all God bless po,” pahayag pa ni Regine.
Suportado naman ng kanyang mga fans ang mga plano ni Regine ngayong 2024.
“This is beautiful ate! Magandang reminder sa ating lahat for 2024. To be present. Thank youuuuu! Love you ate!”
“You do you. We will always be here to support you, always. Looking forward to everything you want to do this year.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.