Ate Vi wish makagawa uli ng mala-Sister Stella L, Bata Bata Paano Ka Ginawa
KUNG may isang celebrity ngayon na talaga namang super blessed nitong nagdaang 2023, yan ay walang iba kundi si Vilma Santos.
Bukod sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng entry nila ni Christopher de Leon sa Metro Manila Film Festival 2023 na “When I Met You in Tokyo”, nakasama pa niya ang kanyang buong pamilya.
Bongga ang pasok ng 2024 kay Ate Vi, matapos manalong best actress sa MMFF 2023 kasabay ng pagkapanalo ng kanilang pelikula bilang 4th Best Picture ay may mga natatanggap na raw siyang mga offer.
View this post on Instagram
Pero bago raw ang muling pagsabak niya sa trabaho, gusto muna niyang samantalahin ang pagkakataon na sama-sama sila ngayong holiday season ng kanyang mga kapatid, mga pamangkin at buong pamilya sa bakasyunan nila sa Batangas.
Super happy ang award-winning veteran actress dahil dumating nga ang mga kapatid niya mula sa Amerika at araw-araw din niyang kasama ang apong si Baby Peanut, anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Nakapanayam ng entertainment columnist at radio host na si Gorgy Rula sa programa nila sa DZRH last Sunday si Ate Vi at sinabi nga nito na hindi pa siya sure kung ano ang susunod niyang proyekto.
“Modesty aside, may mga nakalatag naman sa akin ngayon. Pero, I’m still thinking. Nothing is final at this point in time. I’m looking forward to do at least kahit one movie lang next year.
“Pero, I’m dreaming to do another ano siguro, like Sister Stella L, Bata Bata Paano ka Ginawa. I’m dreaming to do another Dekada 70, yung mga ganu’n. Kahit isa lang for next year.
View this post on Instagram
“Nami-miss ko uli yung mga ganu’ng klaseng pelikula,” chika ng Star For All Seasons.
Bukod kay Ate Vi, na-interview rin nina Gorgs ang MMFF 2023 Best Actor na si Cedric Juan para sa “GomBurZa.”
Aniya, “Sobrang malaking honor po talaga lalo na maihelera kina Christopher de Leon, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Alden Richards, and also kay Dingdong Dantes. And lalo na po katambalan ko pa sa award si Ms. Vilma Santos po.
“Sobrang malaking honor po ito. Malaking appreciation po ito sa sampung taon po na ginugol para mag-aral umarte.
“Malaking appreciation po ito at malaking validation ko po sa craft ko. Kaya, sobrang thankful po ako sa mga board members po ng MMFF at sa lahat po na mga jury,” pahayag ng aktor.
May advice naman si Ate Vi para kay Cedric,“Ang importante, just love your career, and it will love you back. Everyday is a learning process. Hindi ibig sabihin na nanalo na tayo ng award, we are the best. Hindi, eh.
“Everyday is a learning process and you really to have to hone your craft. Hindi ka hihinto, kasi walang katapusan ‘yung matutunan natin.
“One thing I can share with you, ang labanan diyan, longevity e. Hanggang kailan ka tatagal. Iyun ang pinakaimportante. That’s why you really have to hone your craft and make sure you love your career,” payo pa sa kanya ng movie icon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.