Chito super blessed sa piling ni Neri: We worked hard naman kasi our whole lives kaya ine-enjoy na lang namin ang buhay naming mag-asawa | Bandera

Chito super blessed sa piling ni Neri: We worked hard naman kasi our whole lives kaya ine-enjoy na lang namin ang buhay naming mag-asawa

Ervin Santiago |October 06,2022
facebook
share this

Chito super blessed sa piling ni Neri: We worked hard naman kasi our whole lives kaya ine-enjoy na lang namin ang buhay naming mag-asawa

Ervin Santiago - October 06, 2022 - 07:37 AM

Chito feeling blessed sa piling ni Neri: We worked hard naman kasi our whole lives kaya ine-enjoy na lang namin ang buhay naming mag-asawa

Chito Miranda, Neri Miranda at Miggy

NGAYONG pumapasok na uli sa school ang kanyang anak na si Miggy, sinisiguro ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na nakakapag-bonding pa rin silang mag-ama.

Ayon kay Chito, talagang naglalaan siya ng panahon ngayon upang masiguro na nag-eenjoy pa rin si Miggy sa kanilang tahanan pagkagaling sa eskwelahan kasama ang buong pamilya.

Nag-post ang singer-songwriter ng litrato nila ng anak sa Instagram kalakip ang mensahe tungkol sa pagiging responsable at mapagmahal na tatay.

“Since balik face-to-face na ang pasok nila Migs, I make it a point na makapag spend kami ng time together tuwing weekend.

“We get to hangout naman after school, pero syempre we need to stay home na kapag weekdays, di tulad nung online pa yung classes nila na pwede kami mag-out of town kahit kelan, and as expected, mas maaga na sya matulog ngayon (he needs to be in bed by 830 pm kasi 7:15am ang pasok nila),” pahayag ni Chito.

Aniya pa, “So whenever may chance na masamahan ko sya mag-relax at maglaro, kahit sa playground lang dito sa village, ginagawa ko talaga.”

Ipinagdiinan din ng mister ni Neri Miranda na okay na okay din sa kanya ang pagbabalik ng face-to-face classes, “I’m so happy that he gets to play and enjoy with his classmates in school, and super saya ko na may interaction and physical activities sya with other kids, pero gusto ko na nakakalaro nya pa rin ako bilang Dad nya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Samantala, sa isa pa niyang post, muling ibinahagi ng award-winning singer-songwriter sa madlang pipol kung gaano siya ka-blessed sa kanyang career at personal na buhay.

Aniya sa caption ng kanyang IG photo, “Errands muna bago mag-weekend. Kinailangan ko tumakbo sandali sa Pico for some errands, at sinamahan na lang ako ni Neri kasi wala akong driver.

“While driving to Pico, napag-usapan lang namin how happy and blessed we are na ganito lang yung mga responsibilities namin as adults.

“We worked hard naman kasi our whole lives kaya ngayon medyo ine-enjoy nalang namin ang buhay naming bilang mag-asawa. We still work hard, though…pero siguro mas relaxed lang kami ngayon.

“Tulad ngayon, work yung reason kung bakit kami nandito sa Pico kasi may kinalaman yung mga errands ko today sa units na pinapa-rent namin dito, at sa rubber boat na gagamitin namin once ipa-rent na namin yung yate.

“The upside is pwede kami mag-beach at tumambay sandali while working…and sakto kasi sobrang ganda ng weather ngayon dito sa Pico de Loro.

“We have 2 units here sa Pico, both of which are available for rent kung trip nyo din mag-bakasyon dito. 1 is a small studio unit na good for 4, and the 2nd one is a 2 bedroom unit na kasya hanggang mga 7 to 10 siguro,” pahayag pa ni Chito.

https://bandera.inquirer.net/307953/neri-ibinuking-si-chito-ang-layu-layo-ng-personality-niya-sa-banda-sa-pagiging-daddy

https://bandera.inquirer.net/287514/bakit-nga-ba-nag-offer-si-angel-ng-kwarto-kina-chito-miranda

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

https://bandera.inquirer.net/293754/sikat-na-aktres-na-kumikita-ng-milyones-naghihirap-na-dahil-sa-sulsol-ng-mga-friends

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending