Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?
Kung hindi nagpo-post ang mga taong tinutulungan at gustong tulungan ni Angel Locsin ay hindi ito malalaman ng publiko.
Tulad ni Chito Miranda na BFF ni Angel ilang dekada na, hindi ba’t na-link pa nga sila sa isa’t isa?
Caption ni Chito sa pinost niyang mensahe sa kanya ni Angel, “Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon… sobra talaga.”
Ang mensahe ni Angel sa kaibigan, “Chito! May kuwarto kayo dito nila Neri at Miggy at kung sino pa ang kasama n’yo sa house ha? Anytime puwede kayo rito. Mabuti iwas muna kayo at unpredictable pa ‘yung Taal (volcano) plus ‘yung smog.”
Sinagot ito ng frontman ng Parokya ni Edgar, “Oks kami dito. May shoot kami resthouse. Pero salamat sa pag-alala.”
Akala namin ay may video shoot si Chito ‘yun pala ay para sa KUMU dahil ibinuking ni Angel.
Sagot ng real life Darna, “Bored ka tsong??? lol nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol.”
Sabi naman ni Chito, “@therealangellocsin tumatanggap din ako ng Gcash at Lyka.”
Biro naman ng fiance ni Angel na si Neil Arce kay Chito, “Hindi libre yan kelangan daw kanta ka gabi gabi.”
Sagot ni Chito, “@neil_arce tapos hindi pwede videoke…kelangan live band.”
Nakakatuwang basahin ang kulitan ng magkakaibigan.
Samantala, Pinuri ng netizens si Angel.
Wika nga ni @gaelbp14, “@therealangellocsin ANGHEL”
Sabi rin ni @iamaeevangelista, “@therealangellocsin baka po pwede din ako maki kwarto hahahaha. I really admire you. My childhood dream is makita ka lang ng personal, kaso 25 na ako di padin kita nakikita. Sa dami ng artista na nakita ko, ikaw padin ang pinapangarap ko makita hay, i love you, miss angel. Sana ma notice mo po ako.
Hala pati pala si @thelai93, “@iamaeevangelista we have the same childhood dream 😍 28 na ako pero umaasa pa din.”
Natawa naman si @chriszeavelle02, “@chitomirandajr yung na touch ako sa post mo at indeed naman talaga kabaitan ni @therealangellocsin tapos biglang ganyan sasabihin mo. Tawa ako bigla eh.”
Umabot naman sa 44.1k ang bilang ng nag-like sa post ni Chito at sa kulitan nilang mga sagot.
At mukhang hindi nga apektado ng Bulkang Taal ang mag-asawang Chito at Neri dahil nagawa pa nilang mag-take out ng breakfast sa famous restaurant sa Tagaytay.
Ang caption ng larawang pinost ni Chiton a nasa harapan sila ng Antonio’s.
“Breakfast at Antonio’s. Pero take out lang…bawal buntis eh.
“Sarap lang talaga dito sa lugar namin. Feeling ko para akong nagbabakasyon tuwing gumigising ako.”
Sinamantala na rin ng bokalista ang pag-promote ng facemask na nabibili sa UPIS online.
“Anyway, promote ko lang itong mask ko para makatulong tayo sa UPIS. Pls visit upisthebest.com to see how you can help underprivileged UPIS students who are struggling with the costs of home-based learning.
“You can make a donation, at kung trip nyo yung mask ko, makakabili din kayo nito dito. May mga shirts din sila.
Tara! Tulong tayo! #upisthebest
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.