Gabbi Garcia pinagtripan ang inang flight attendant

Gabbi Garcia pinagtripan ang inang flight attendant: Sige, kilos-kilos din!

Ervin Santiago |December 31,2023
facebook
share this

Gabbi Garcia pinagtripan ang inang flight attendant: Sige, kilos-kilos din!

Ervin Santiago - December 31, 2023 - 02:07 PM

Gabbi Garcia pinagtripan ang inang flight attendant: Sige, kilos-kilos din!

Gabbi Garcia, Tes Lopez at Khalil Ramos

PAK na pak sa mga netizens ang paandar na video ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia kasama ang kanyang inang flight attendant.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na comments mula sa mga social media followers ni Gabbi ang nasabing short clip, kabilang na ang mga nakakatuwang reaksyon ng mga kaibigan niya sa showbiz.

Naka-post ang throwback video sa Instagram account ni Gabbi kung saan  mapapanood ang ilang eksena sa naging flight niya patungong Canada kasama ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos.

Dito makikita ang pagsisilbi ni Tes Lopez sa ilang pasahero ng eroplano kabilang na nga ang kanyang anak at kay Khalil.

“Throwback to our flight going home from Canada with @flypal about a month ago.

Baka Bet Mo: Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

“My mom before being promoted as a flight purser with one of her most demanding, most difficult, and most loved passengers, ME (emojis),” ang inilagay na caption ni Gabbi sa naturang post.

Hirit pa niya, “Nadamay pa si @khalilramos wahahaha! love you mom @lopeztes!!! Lol!! here’s to more flights with you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Gabbi ang ina nang mag-serve na ito ng food sa kanya, “Wala na po bang iba?” Na sinagot ni Tes ng, “Wala na.”

Hirit uli ni Gabbi sa kanyang stewardess na nanay, “Effective po ba ‘yung pag-utos hanggang sa bahay?”

“Ah, hindi na. Sorry, hanggang dito lang,” tugon nito. Sey naman sa kanya ni Gabbi, “Sige, kilos kilos din. Kilos ka na du’n, bye.”

Super aliw naman ang mga IG followers ni Gabbi at talagang napa-react sa kanyang video kabilang na ang mga celebrities na sina Ai Ai deals Alas, Jericho Rosales, Denise Laurel, Mark Bautista, Chynna Ortaleza at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking…ayun, dinugo ako

Narito ang ilang comment ng netizens na tuwang-tuwa sa eksena ng mag-ina sa loob ng eroplano.

“Inutusan ang nanay haha!”

“Sooooo adorable!”

“Grabe to!”

“Kakaiyak. What a special moment.”

“Taking the opportunity na mang-utos ng nanay.”

“Kyoooot.”

“Heeeeh! How lucky to be in your moms flight!”

“Now we know why you are hardworking and loving your craft. Just like your Mama!”

“Hahahaha ‘effective ba ang utos hanggang bahay’ – crazy @gabbi.”

“Hahahahahahahha kilos kana dun.”

“Uung feeling nung “nakabawi rin ako, kaya dapat i-video’ HAHAHAHAHAHAHA @gabbi @lopeztes cutie!!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mana ka talaga sa mama mo, so beautiful! mother & daughter.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending