Gabbi Garcia ibinandera ang dyowang si Khalil Ramos: Buti na lang nasa tamang tao na ako | Bandera

Gabbi Garcia ibinandera ang dyowang si Khalil Ramos: Buti na lang nasa tamang tao na ako

Therese Arceo |August 25,2023
facebook
share this

Gabbi Garcia ibinandera ang dyowang si Khalil Ramos: Buti na lang nasa tamang tao na ako

Therese Arceo - August 25, 2023 - 11:32 PM

Gabbi Garcia ibinandera ang dyowang si Khalil Ramos: Buti na lang nasa tamang tao na ako

SUPER secured ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa kanyang relasyon sa kapwa aktor na si Khalil Ramos.

Sa katunayan, sa isa sa kanyang Instagram stories ay ibinandera ng dalaga kung gaano siya kaswerte sa kanilang relasyon.

Nagkaroon kasi ng “chika time” o nagpa-Q&A si Gabbi sa kanyang mga followers at dito nga ay natanong ang dalaga ukol sa pakikipagrelasyon.

“What’s scarier, alone or settling for the wrong person?” tanong ng netizen.

Noong nabasa ni Gabbi ang tanong ay kasama niya si Khalil kaya parehas nilang nasagot ang tanong.

“Settling for the wrong person,” sagot ni Khalil na sinang-ayunan naman ng dalaga.

Dagdag pa ng dyowa ni Gabbi, “Because being alone can be liberating, you can be free. But settling for the wrong person, you’re trapped.”

Hirit naman ng aktres, mabuti na lang daw at ok na siya sa kanyang love life.

Baka Bet Mo: Khalil Ramos sa tanong kung pakakasalan niya si Gabbi Garcia: ‘100 million percent, yes! No double thinking!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yeah, and I feel like, your partner says a lot about you, your future, di ba? Hirap kaya pag mali yung taong kasama mo. Buti na lang nasa tamang tao ako,” sey ni Gabbi.

Sa hiwalay na IG story naman ng dalaga ay pinuri naman ng netizen ang aktres maging ang magandang relasyon nila ni Khalil.

“No questions haha just so proud of your girl boss solo trip and khalil’s main character theatre moments,” sey ng netizen kay Gabbi.

Sabi naman ng dalaga ay deserve ng lahat na magkaroon ng isang healthy relationship gaya ng sa kanilang dalawa.

Lahad ni Gabbi, “THIS. You all deserve to have a healthy relationship like ours!! (YES PROUD AKO!) yung relationship na nag grow kayo individually and as a couple. Yung hindi kayo naghihilahan pababa.

“We all deserve that!!! Gone are the days na nagtitiis tayo sa toxic at sakal na relationship!! You deserve to do whatever fulfills you in life, may it be with your partner or individually. Amen?? Amen!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Khalil sa bagong serye nila ni Gabbi: It’s quite ambitious…mapapatawa ka, matatakot ka, mai-in love ka

Gabbi Garcia ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending