Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking...ayun, dinugo ako Bandera

Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking…ayun, dinugo ako

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking…ayun, dinugo ako

Ervin Santiago January 23, 2022 - 12:40 PM

Neri at Chito Miranda

TULUY-TULOY pa rin ang fitness journey ng actress-entrepreneur na si Neri Naig matapos madagdagan ng timbang noong ipinagbubuntis ang bunsong anak nila ni Chito Miranda.

Inamin ng tinaguriang ultimate wais na misis na makalipas ang tatlong buwan pagkapanganak kay Baby Cash o Manuel Alfonso, ay hindi naging madali ang kanyang balik-alindog program.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng celebrity mommy ang ilan sa mga ginagawa nila ng Parokya ni Edgar vocalist tuwing umaga sa kanilang village.

Kahapon, Jan. 22, ipinost ng aktres litrato nila ni Chito habang nagwo-walking bilang bahagi ng kanyang daily workout routine para sa pagbabawas ng timbang. Bukod dito, nabanggit din niya ang kanyang “healthier diet plan.”

“Walking kasama ng asawa ko para kahit papaano makapag exercise.

“Naging 73kilos ako last October. Last month, 69 kilos ako. Swipe left para makita kung gaano talaga ako kalaki. Dahil no carbs at sweets ako muna to achieve my goal (55 kilos 5’6″ height ko), 61 kilos ako now,” simulang pagbabahagi ni Neri. 

“Pero siyempre, need ko pa rin ng disiplina. Dahan dahan lang. Kase 2 weeks ago, nagtry akong mag exercise, more on stretching tapos may planking, ayun, dinugo ako,” pag-amin ng misis ni Chito.


“Kaya sa lahat ng mga bagong panganak, wag biglain lalo na kapag CS natakot ako but I am ok. Wag madaliin. 

“For now walking muna kami sa village. Isa sa umaga, isa sa hapon. Iba din ‘tong walking buddy ko eh, buong subdivision ang gusto niyang ikutin ko, ang haaaaarsh. Pero oks lang basta nakaspotify ako na pang 90s and early 2000s, hehe!” pahayag pa ni Neri sa kanyang IG photo caption.

Napakahirap man daw ng ginagawa niyang pagpapapayat, desidido na raw siyang makamit ang tinatarget niyang ideal body weight na 55 kilos this year.

“Kung tatanungin n’yo ako kung mahirap ba yung no carbs at sweets, aba oo! Hahaha! Pero kung desidido kang bumalik ang dati mong timbang, magtiis ka! Idaan na lang sa tubig at prutas.

“Kung pwede lang magdonate ng taba tapos parang drive thru lang, di ba? 

“Pag maging 55 kilos na ako, magcecelebrate ako ng isang malaking angus burger tapos may fries at malamig na iced tea. Kaso malayo pa, 6 kilos pa ang kailangang ibawas!” pahayag pa ng aktres at negosyante.

Ikinasal sina Neri at Chito noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Miggy at Cash.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending