#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

Therese Arceo |December 31,2023
facebook
share this

#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

Therese Arceo - December 31, 2023 - 08:48 AM

#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

MAITUTURING na “Year of Break Ups” ang taong 2023 sa mundo ng showbiz sa dami ng celebrity couples na naghiwalay ngayong taon. At hindi lang basta basta ang mga hiwalayang ating nasaksihan dahil ang ilan rito ay naging parte na rin ng ating pagkatao, mga relasyong inakala nating hindi na matatapos at mauuwi na sa panghabang buhay.

Ngunit kahit pa nasanay na tayo, may mga bagay na talagang nagtatapos.

Tara at muli nating balikan ang sakit na idinulot ng mga hiwalayan at sabay sabay tayong humarap ng 2024 with a fresh start.

#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Sino nga ba ang hindi naapektuhan nang finally ay kumpirmahin na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na tuluyan na silang naghiwalay ni Daniel Padilla matapos ang 11 years.

Matatandaang ginulat ng KathNiel ang lahat nang mag-post sa Instagram ang dalaga noong November 30, 2023 na sinundan rin ng pahayag ni DJ.

Nagpapasalamat naman si Kathryn sa “11 beautiful years” na pinagsamahan nila together.

Samantala, kamakailan lang nang biglang burahin ni Daniel ang kanyang statement matapos ang kanilang break up kaya marami sa mga fans ang nag-akalang magbabalikan ang dalawa.

Ngunit nawala ang pag-asa ng fans matapos mag-post si Kath ng “no looking back, only moving forward.”

 

Kim Chiu at Xian Lim

Kim Chiu at Xian Lim

Unang nagkapareha sina Kim Chiu at Xian Lim o mas kilala sa tawag na KimXi noong magkasama sila sa Kapamilya teleserye na “My Binondo Girl” noong 2011.

Simula noon, ilang beses na ring naitanong sa dalawa kung anong namamagitan sa kabilan ngunit walang pag-amin mula sa dalawa hanggang noong November 2018 nang kumpirmahin na nilang in a relationship sila sa “Tonight with Boy Abunda”.

Maayos at tila going strong ang relasyon ng dalwa over the years ngunit ngayon taon ay maraming lumabas na balita kung saan tila hiwalay na ang dalawa dahil bihira na lang silang magkasama at hindi na rin masyadong nagta-travel together na madalas nilang ginagawa noon.

At bago nga tuluyang matapos ang 2023 ay binasag na ni Kim ang katahimikan at umamin na sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian.

Hindi na idinetalye pa ni Kim ang dahilan ng kanilang break up pero sinabi niyang mutual decision ang kanilang pagkakahiwalay.

Baka Bet Mo: Kilalang celebrity couple 2 beses pa lang nag-sex sa loob ng ilang taong pagsasama, anyare?

#Pasabog2023: Celebrity couples na naghiwalay ngayong taon

Andrea Brillantes at Ricci Rivero

Isa ang relasyong Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa mga celebrity couples na may controversial break up.

Matatandaang umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos mag-viral ang mga larawan ni Ricci kasama ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Kalaunan ay inamin rin ni Ricci na naghiwalay na sila ni Andrea ngunit itinanggi nitong si Leren ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon sa basketbolista, maraming rason kung bakit sila tuluyang naghiwalay at kasama roon ang pagkakahuli ni Andrea ng babae sa kanyang condo ngunit sinabi niyang kasama ito ng kaibigan niya.

Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan nang ibinandera ni Ricci ang relasyon nila ni Leren na una nilang dinenay noon.

 

Miles Ocampo at Elijah Canlas

Miles Ocampo at Elijah Canlas

Matapos magkasama sa isang serye noon na “Paano Ang Pangako” ay nagkamabutihan sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

2022 nang umamin ang dalawa sa pamamagitan ng Instagram greeting ng aktor sa birthday ng aktres at isa na rin sila sa mga inaantabayanang celebrity couples sa bansa.

Ngunit nitong November 23 ay kinumpirma ni Elijah na ilang buwan na rin silang hiwalay ni Miles dahil sa “personal reasons”.

“I’m always going to have love for her, and I’m always going to support her in whatever she does,” sey ni Elijah.

Baka Bet Mo: Celebrity couple ilang buwan nang hiwalay, hindi umaamin dahil sa mga kontratang milyones ang halaga

 

Kris Aquino at Mark Leviste

Kris Aquino at Mark Leviste

Naging on and off ang relasyon ng Queen of All Media na si Kris Aquino kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Early this year nang aminin ng dalawa na in a relationship sila.

Noong July nang una niyang sabihin na tigil muna ang kanilang relasyon dahil sa anyang kalusugan at mahirap na para sa kalagayan niya ang long distance relationship.

Sinabi rin ni Kris kalaunan na pakiramdam niya ay hindi pa ready sa seryosong relasyon ang bise gobernador.

Ngunit nitong Nobyembre nang aminin ni Kris na hiwalay na sila at siya ang nag-initiate ng break up.

 

Cherry Pie Picache at Edu Manzano

Cherry Pie Picache at Edu Manzano

Kamakailan lang nang aminin ng aktres na si Cherry Pie Picache na tuluyan nang natapos ang lovr story nila ni Edu Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa inilahad ng beteranang aktres sa entertainment press, hindi ras niya maaaring idepende ang kanyang kasiyahan sa ibang tao.
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay sinabi naman niyang nananatili silang magkaibigan ni Edu.

“We’re very good friends, he’s a very good person. We will always love each other.”

Baka Bet Mo: Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

Yassi Pressman at Jon Semira

Yassi Pressman at Jon Semira

Naging palaisipan sa mga netizens kung hiwalay na nga ba sina Yassi Pressman at John Semira matapos ang cryptic post ng aktres ukol sa pagiging malaya.

Inamin naman ni John na na naghiwalay na sila ng aktres sa pamamagitan ng Instagram post st sinabing, “After an amazing run, Yass and I have decided to part ways. We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends.

“It’s been a while since the breakup. It was a decision made from the both of us, and us only.”

Wala naman nang idinetalye pa si John pero matapos ang pag-amin ng dalawa na break na sila ay naglabasan ang video ng diumano’y proposal ng negosyante sa aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending