Kilalang celebrity couple 2 beses pa lang nag-sex sa loob ng ilang taong pagsasama, anyare? | Bandera

Kilalang celebrity couple 2 beses pa lang nag-sex sa loob ng ilang taong pagsasama, anyare?

Reggee Bonoan |January 04,2023
facebook
share this

Kilalang celebrity couple 2 beses pa lang nag-sex sa loob ng ilang taong pagsasama, anyare?

Reggee Bonoan - January 04, 2023 - 06:42 PM

Kilalang celebrity couple 2 beses pa lang nag-sex sa loob ng ilang taong pagsasama, anyare?

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

SA umpukan ng mga certified Marites sa showbiz na may mga  programa sa telebisyon bukod pa sa magkakaibigan sila ay napagtsikahan nila ang tungkol sa mag-asawa na nagpapakita ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ayon kay Marites G, “Akalain mo, umamin si ___ (asawang babae) na sa tagal nilang pagsasama ay dalawang beses lang sila nagtabi ni _____ (asawang lalaki). Anong nangyari?”

Say naman ni Marites K, “Oo nga, nu’ng ikinuwento ‘yan ni ____ (asawang babae), nagulat tayo di ba, bakit anong dahilan? Kahit laging nagyayaya at naglalambing umiiwas daw si ____ (asawang lalaki).

“Oh my God! Baka naman true ang tsika kay ____ (asawang lalaki)!” taklesang sabi ni Marites P.

“Ano?” sabay-sabay na tanong nina Marites G at K.

Bumulong si Marites P sa dalawa na hindi naman narinig ng aming source kaya pati kami ay nabitin.

Habang sinusulat namin ang blind item na ito ay ini-imagine namin ang mag-asawa kung may prolema nga ba sila?

Sa pagkakaalam kasi namin ay happily married sila at successful sa kani-kanilang respective careers plus okay ang kids nila. Matatawag nga na ideal family ng lahat mula sa masa hanggang alta.

Yes, well-known ang mag-asawa sa industriya, isama pa sa mga bansang napuntahan na nila kasi nga may mga programa ang dalawa na napapanood din sa labas ng Pilipinas.

Walang nababalitang may third party sa mag-asawa lalo na sa babae dahil super straight ito bilang maybahay gayun din naman ang asawang lalaki na puro negosyo naman ang inaasikaso at career nito sa TV.

Baka kaya hindi na nagtatabi ang mag-asawa dahil pareho silang pagod?

“Hindi naman 24 hours ang work nila saka libre ang weekends nila,” katwiran ng aming source.

Dagdag na sabi pa raw ni Marites P, “Kaya nga maraming time si ____ (asawang babae) sa mga gatherings, di ba? Doon niya inuubos ang oras niya.”

Well, at least hindi sila hiwalay at maganda pa rin ang imahe nila sa publiko.

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel nagpaalam na sa programa ng ABS-CBN: Ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending