Angel nagpaalam na sa programa ng ABS-CBN: Ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit | Bandera

Angel nagpaalam na sa programa ng ABS-CBN: Ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit

Reggee Bonoan - June 28, 2021 - 04:29 PM

MADAMDAMIN ang pamamaalam ni Angel Locsin nitong Linggo sa pagtatapos ng programa niyang “Iba Yan” pagkalipas ng isang taon.

Aniya, “Isang bagay ang napatunayan natin sa isang taon ng pagsasama natin dito sa Iba ‘Yan, na marami talagang mga ordinaryong bayani ang may kakaibang kuwento ng pagmamalasakit sa ating kapwa. 

“Kaya maraming salamat po at hinayaan ninyo kami na ibida ang kanilang mga kwento, at babaunin po namin itong inspirasyon sa pamamaalam po ng programang ito.

“Sa panahon na walang kasiguraduhan dahil sa pandemya, at dahil na rin po wala rin pong kasiguraduhan ang staff ng ABS-CBN, binuksan niyo po ang pintuan ninyo para sa amin, kaya maraming, maraming salamat po sa inyo,” pahayag ng aktres at TV host.

Ang ganda ng larawang ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account na nakatayo siya sa loob ng compound ng Kapamilya network at ang background ay ang transmitter ng ABS-CBN.

Ang caption niya rito, “Nabuo po ang IbaYan sa kasagsagan ng pandemya at sa panahon na iilan lang po ang mga programa na tumatakbo sa buong bansa.

“May takot man, ngunit dama po namin na kailangan ng programang makakapagbigay-pugay sa maraming Pilipinong bayani sa kanilang paraan. Mga ordinaryong tao na may kakaibang puso na ninanais na makatulong sa kapwa o kapaligiran, kahit na nasa panahon tayo na maging sila ay nangangailangan rin o hirap.

“Maraming salamat po sa napakaraming mga aral na natutunan ko sa ating mga kuwentuhan. Ang kagustuhan ninyo pong makatulong at pagbibigay inspirasyon ang dahilan po at kung bakit nabuo at nasimulan ang IbaYan.

“Maliit lang po ang aming programa at sana sa aming munting paraan, naibahagi po namin ang mga kwentong puno ng inspirasyon.

“Maraming salamat po sa pagkakataon Tita Cory (Vidanes), Direk Lauren (Dyogi), Sir Carlo (Katigbak), Sir Reily (Santiago), Sir Raymond (Dizon), at Ms. Merce (Gonzales).

“Sa napakagaling na creative team, researchers, writers, prod staff, at sa lahat ng bumubuo ng ibaYan, isang karangalan na makasama kayo. Salamat sa genuine na malasakit sa kapwa.

“Sa aking fiancè at direktor ng aming programa, @neil_arce, ipinagmamalaki kita! Great job.

“Sa ating mga kababayan, maraming salamat po sa inspirasyon at sa pagpapatuloy po sa aming programa sa inyong tahanan ng isang taon. Mami-miss kong basahin ang mga komento ninyo tungkol sa Iba Yan.

“Ngayong araw man po ang huling episode, ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit. Sa huling pagkakataon, samahan ninyo po kami sa #ibaYan mamaya at ibida ang mga bayani natin. Hanggang sa muli.”

Maraming bumati kay Angel na kapwa artista sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mapapangasawa niyang si Neil Arce at direktor ng show ay nagsabi ring, “Thank you Love! that Show showed your true Nature and I know helping Will be a part of our lives forever.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending