Vice binigyan ng Bagong car ang ina: Kailangan niya ng pangsimba

Vice niregaluhan ng brand new car ang ina: Kailangan daw niya ng pangsimba

Ervin Santiago |December 30,2023
facebook
share this

Vice niregaluhan ng brand new car ang ina: Kailangan daw niya ng pangsimba

Ervin Santiago - December 30, 2023 - 07:20 AM

Vice niregaluhan ng brand new car ang ina: Kailangan daw niya ng pangsimba

Vice Ganda at Rosario Viceral

NAPA-SANA all na lang ang mga nanay sa pasabog na regalo ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para sa kanyang pinakamamahal na ina.

Isang brand new car lang naman ang bonggang Christmas gift ng TV host-comedian sa kanyang inang si Rosario Viceral.

Sa latest YouTube vlog, ibinandera ni Vice sa madlang pipol ang mga naging kaganapan sa naganap na Christmas party ng kanilang pamilya na ginanap sa kanyang bahay.

Nagpa-games si Vice sa kanyang mga kapamilya at mga kasama sa bahay at nagmistula rin siyang si Santa Claus sa isinagawa niyang gift-giving.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha at reaksyon ng mga nakisaya sa pa-Christmas party ng komedyante at host dahil sa mga natanggap nilang regalo at Pamasko.

Baka Bet Mo: Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?

Sa isang bahagi ng vlog, niyaya ni Vice ang kanyang nanay sa labas ng kanilang bahay kung saan nga nakaparada ang bagong sasakyan na regalo niya para rito.

“Kailangan daw kasi ng pangsimba niya. Gusto niya mababa lang dahil nahihirapan siyang sumakay. Ayan, saktong-sakto, nakahanap na tayo ng mababang sasakyan,” pagbabahagi ni Vice Ganda.


Super happy naman si Ginang Rosario nang makita ang pasorpresa ng kanyang anak.

Baka Bet Mo: Lolit Solis kinilig sa regalo ni Kris Aquino, request kay Mark Leviste: Please make her happy

“Hindi na ako makikipag-agawan sa sasakyan. May sarili na akong sasakyan. Happy ako siyempre, anak,” sabi ni Ginang Rosario.

“Nagulat ako. Akala ko kung ano ‘yon, ‘yun pala ‘yung dream na sasakyan ko. Makakalayas na ako mag-isa, anak,” sey pa ng nanag ng Box-Office Star.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na ipinaramdam at ipinakita ni Vice  ang kanyang pagmamahal sa ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2011, napaiyak din si Ginang Rosario sa iniregalong house and lot sa kanya ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending