Lolit Solis kinilig sa regalo ni Kris Aquino, request kay Mark Leviste: Please make her happy | Bandera

Lolit Solis kinilig sa regalo ni Kris Aquino, request kay Mark Leviste: Please make her happy

Therese Arceo |June 03,2023
facebook
share this

Lolit Solis kinilig sa regalo ni Kris Aquino, request kay Mark Leviste: Please make her happy

Therese Arceo - June 03, 2023 - 04:57 PM

Lolit Solis kinilig sa regalo ni Kris Aquino, request kay Mark Leviste: Please make her happy

SUPER happy ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis dahil sa kanyang natanggap na regalo mula kay Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya kung gaano siyw ka-love ng Queen of All Media.

“Talagang kahit love/hate kami ni Kris Aquino mas matimbang parin ang love dahil hanggang ngayon basta special occasions imposible talagang hindi ka niya maalala,” saad ni Lolit.

Dagdag oa niya, “Kaya kahit ano sabihin hindi mo talaga puwede itakwil si Kris Aquino dahil tutoong sweet at caring siya. Impulsive at kung minsan tackless, pero wala siyang mean bone.”

Kuwento pa niya, never humiling ng masama para sa kapwa si Kris at kung ano man raw and vibe nito sa isang tao ‘yun ang ipinapakita nito at hindi siya nakikipag-plastikan.

“Civil siya kung [hindi] niya gusto ang tao, pero never niya itong ipa plastic na kunwari gusto niya. May pagka possesive at selosa, pero never naging selfish,•” hirit pa ni Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Baka Bet Mo: Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris: I was so sad, talagang ipinagtapat niya ang pain na nadarama niya

 

Kaya nga raw masarap kausap ang Queen of All Media dahil malaya kang makapagbibigay ng opinyon.

Chika pa ni Lolit, napakadali lang rin pasiyahin ni Kris dahil mababaw lang naman ang gusto nito at napaka-generous pa sa mga kaibigan.

Kaya nga lagi niyang ipinagdarasal na sana ay matagpuan na nito ang happiness na makakasama nito sa buhay dahil ito na lang raw ang kulang sa kanya.

“Mahilig si Kris sa isang sandalan, iyon lagi puwede niya kausapin, hingahan ng nararamdaman. Iyon nasa beck and call niya anuman oras, iyon siya ang priority. Kaya naman hangga ngayon hindi pa niya nakikita, pero parang meron konting kilig iyon sa kanila ni Mark Leviste,” sey ni Lolit.

Aniya, mukha naman daw mabait at very attentive ang goberbador ng Batangas at hindi rin nagkakalayo ang level ng mga ito sa social standing.

Hirit pa ni Lolit, “Sana nga sila na. I think marami ang magiging happy dahil marami ang nagdarasal sa happiness ni Kris Aquino. Please make her happy, matagal na niyang hinanap ang kaligayahan.

“Ibigay na sa kanya ito dahil about time na madama na niya. Happy Kris , happy Joshua and Bimby. Everybody happy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending