Sharon sa iniintrigang relasyon nila ni Kiko: 'Nagtatampo ako'

Sharon sa iniintrigang relasyon nila ni Kiko: ‘Nagtatampo ako pero OK kami’

Ervin Santiago |December 29,2023
facebook
share this

Sharon sa iniintrigang relasyon nila ni Kiko: ‘Nagtatampo ako pero OK kami’

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 02:25 PM

Sharon sa iniintrigang relasyon nila ni Kiko: 'Nagtatampo ako pero OK kami'

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan

“STATEMENT” ang pagdating ni Megastar Sharon Cuneta kasama ang kanyang buong pamilya sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal.

Tila nais ipagsigawan ni Mega sa buong universe na okay na okay sila ng kanyang asawang si dating Sen. Kiko Pangilinan sa gitna ng mga haka-haka na meron silang pinagdaraanang mag-asawa.

Sunud-sunod kasi ang mga cryptic post  ni Sharon sa kanyang social media page nitong mga nakaraang araw na may kaugnayan sa cheating at pagtatraydor.

Baka Bet Mo: Maureen tanggap ang pagkatalo kay Bea sa Miss Universe PH: She’s a fighter, she deserves the crown!

Dagdag pa rito ang pagpo-post ng actress-singer ng kanyang litrato kasama ang kanyang mga anak habang putol ang ulo ni Kiko sa photo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero tinanggal na ito ni Sharon sa kanyang Instagram account. Pinalitan niya ito ng litrato nilang mag-anak na kuha bago sila magtungo sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal nitong nagdaang December 27.

Ang inilagay niyang caption sa kanilang family photo ay, “Pamily Ficture papunta po sa MMFF Gabi ng Parangal ngayon. Live po ngayon sa FB!”

Doon nga rumampa si Sharon sa red carpet ng New Frontier Theater sa Cubao City, kasama ang kanyang mister at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel at Miguel Pangilinan.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo super grateful matapos kilalanin sa South Korea: ‘This is for you, this is for us!’

Nakachikahan naman ng ilang members ng entertainment media sina Sharon at Kiko bago sila tuluyang pumasok sa NFT at isa sa mga naitanong sa kanila ay ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi ng dating senador, “Hindi exempted ang anumang marriage sa mga pagsubok. E, ganu’n lang talaga.

“Ang kaibahan lang sa amin, siyempre very public, di ba? Pero lahat ng mga mag-asawa, may kanya-kanyang dinadaanan din,” paliwanag niya.

Sey naman ni Mega, “Siyempre, nag-e-LQ (lovers quarrel) kami minsan, nagtatampo ako pero okay kami, okay kami. The family is here. You know my husband is very quiet.”

Matatandaang inamin ni Sharon sa isang panayam na nagkaroon sila noon ni Kiko ng LQ na tumagal daw ng halos anim na buwan.

Sabi ng aktres sa isang IG post last year, “Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months!” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending