Celebrities na ‘naipit’, nasangkot bilang 3rd party sa relasyon

#Pasabog2023: Celebrities na ‘naipit’, nasangkot bilang 3rd party sa relasyon

Pauline del Rosario |December 28,2023
facebook
share this

#Pasabog2023: Celebrities na ‘naipit’, nasangkot bilang 3rd party sa relasyon

Pauline del Rosario - December 28, 2023 - 06:11 PM

#Pasabog2023: Celebrities na ‘naipit’, nasangkot bilang 3rd party sa relasyon

Kira Balinger, Leren Bautista, Andrea Brillantes, Gillian Vicencio, Herlene Budol

SA buong taon ng 2023, iba-iba ang nasaksihan natin sa mundo ng showbiz industry.

Nariyan ‘yung mga artista na pumatok ang tambalan, naging magkaibigan, nagligawan at nagkatuluyan.

Bukod diyan, may mga kwentong puso na puno rin ng kontrobersya at intriga.

Parang pelikula na may plot twist, pero totoong buhay at mga sikat na artista ang involved.

Kaya naman sa artikulong ito, iisa-isahin natin ang ilang celebrities na naipit at nadamay sa isang romantic journey.

Baka Bet Mo: #Pasabog2023: Mga personalidad na nagbabalik sa entablado, telebisyon

Kira Balinger

First quarter pa lang ng 2023, tumambad na ang chikang third party umano ang actress-model na si Kira Balinger kaya naghiwalay ang aktor na si Kelvin Miranda at social media influencer na si Roselle Vytiaco.

Pumutok ang balita noong Enero dahil nahuli ni Roselle ang palitan ng mensahe nina Kelvin at Kira nang agawin ng una ang cellphone ng aktor.

Magkatrabaho sa isang pelikula noon sina Kelvin at Kira kaya naging magkaibigan sila.

Hindi naman nagtagal na itinanggi ng Kapamilya actress ang namamagitan sa kanila ng aktor at sinabi pa nga niya na hanggang chat lang sila.

“Hindi po ako third wheel kung ano po ‘yung naging usapan ng ex nila wala po akong alam doon. Out na po ako doon. And if somebody Ate Gurl (Roselle) would talk to should be him (Kelvin),” sey niya sa isang presscon.

Dagdag pa niya, “I did not break them up and I’m very confident to say that ‘coz I do not steal man, I do not run after them, they come to me. And it was my mistake. I entertained one man and I am sorry for that and I am making up it for it, I took accountability for my actions.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Leren Mae Bautista

Nadamay ang pangalan ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Nagsimula ito nang mag-post si Leren na magkasama sila ng basketball player sa kaarawan ng huli at nagsagawa pa ng outreach program sa Laguna ilang araw matapos ang breakup.

Kasunod niyan ay nagsilabasan sa social media ang ilang mga litrato na spotted na magkasama ang dalawa.

Kung maaalala, si Ricci mismo ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng aktres noong Mayo.

Pakiusap pa nga niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.

At matapos ang limang buwan, umamin na si Ricci na girlfriend niya si Leren sa isang Instagram post.

Hindi man binanggit ng basketbolista ang kanyang ex-girlfriend na aktres ay tila iginiit ni Ricci na hindi nagkaroon ng third party noon.

Baka Bet Mo: #Pasabog2023: Celebrities na nagmahal at nauwi sa bonggang kasalan

Andrea Brillantes

At speaking of Andrea, nakaladkad din siya mismo sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pati na rin sa breakup nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

May mga kumalat na chika na siya ang third party umano sa breakup ng KathNiel.

Ayon sa source ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, palihim na kinikita ni Andrea si Daniel nang hindi alam ni Kathryn.

Kasunod niyan ay chinika din siya ni Ogie kung saan may nagparating daw sa kanya na tila na-develop daw si Elijah kay Andrea dahil sa pagsasama nila sa seryeng “Senior High” ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon, never pang nagsalita ang young aktres patungkol sa mga akusasyon na binabato sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Gillian Vicencio

Hindi lang si Andrea ang nadawit sa hiwalayang KathNiel, kasama rin diyan ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio.

May kumalat kasing screenshot ng conversation sa social media kung saan mababasa ang pangalan ni Gillian na na-link kay Daniel.

Ayon pa sa chika ay may nangyari sa dalawa na nakarating kay Kathryn kaya nag-decide ito na tuluyang hiwalayan ang aktor.

Unverified naman ang naturang screenshots, ngunit malala na ang mga pamimintang ng ibang netizens sa dalaga maging sa mga posts nito sa Instagram.

Hindi naman nagtagal at ipinagtanggol na nga ni Gillian ang sarili laban sa mga hindi magagandang komento na ibinabato sa kanya ng netizens.

“Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo,” saad ng Kapamilya actress.

Pakiusap pa ni Gillian, “Bigyan naman po natin sila ng respeto.”

Matatandaang nagkasama sina Gillian at Daniel sa seryeng “2 Good 2 Be True” kung saan gumanap siya bilang si “Tox,” isa sa mga malalapit na kaibigan ni “Eloy” (Daniel).

Baka Bet Mo: #Pasabog2023: Heart Evangelista, Chiz Escudero magkasamang sasalubungin ang Bagong Taon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Herlene Budol

Ilang linggo bago matapos ang 2023, naging usap-usapan ang beauty queen-actress na si Herlene Budol matapos mag-leak sa mismong Instagram account ng Kapuso actor na si Rob Gomez ang diumano’y palitan nila ng mensahe.

Nagulat ang madlang pipol nang mabasa ang screenshots ng kanilang usapan kung saan may makikitang pregnancy test sa bandang huli at naka-tag pa si Herlene sa mismong post.

Mababasa rin sa usapan nila na nagkikita rin sila paminsan-minsan at tila may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Pinalagan naman ni Herlene ang kinasasangkutang isyu kaugnay sa leaked conversations with Rob.

Inihayag pa niya ang kanyang pagtataka dahil lagi nalang siya nadadamay sa mga ganitong klaseng isyu.

“Bakit ako nakaladkad?” saad ni Herlene sa isang post.

Sey pa niya, “Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!”

“Dati [nasa] #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?” ani pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bianca Manalo

Kasabay ng naging isyu kay Herlene, isang malaking pasabog ang leaked conversations ng usapan ng Kapuso actor na si Rob Gomez sa kanyang co-star na si Bianca Manalo.

Base sa mga kumakalat na screenshots ay palihim na nagkikita ang dalawang Kapuso stars.

Hindi makapaniwala ang netizens sa mga “resibo” na kalat na kalat na sa social media, lalo na’t aware ang lahat na may kanya-kanya silang partner.

Agad namang naglabas ng pahayag ang beauty queen upang itanggi ang kumakalat na chikang may namamagitan sa kanila ng co-actor sa teleseryeng “Magandang Dilag.”

Ayon sa kanya, nakatakda kasing mag-abot ng regalo si Rob sa kanya kaya nais niyang kitain ito nang maaga bago pumunta ng airport.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Rob Gomez and I are friends and co-workers,” saad ni Bianca.

Dagdag pa niya, “It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.”

“It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations,” chika pa ni Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Si Bianca ay ang longtime girlfriend ni Sen. Win Gatchalian at sa katunayan ay magkasama pa nga silang nag-celebrate ng birthday ng aktres sa Malacañang kamakailan.

Samantala, nasiwalat naman noong Agosto na may girlfriend si Rob at ito ay si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera.

Lumantad ito at ipinakilala na rin ang anak nilang si Amelia sa publiko upang pabulaanan ang sinabi ng aktor na “single” siya sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending