Kelvin Miranda may ugali na hindi kayang kontrolin noon: Kapag nagbabad ako sa mga problema, doon ako nadudurog…
MAY pangako ang Kapuso leading man na si Kelvin Miranda sa kanyang sarili para na rin sa ikabubuti at ikabobongga ng kanyang showbiz career.
Ngayong bibida na uli siya sa isang upcoming Kapuso series, ang “Unica Hija” kung saan makakatambal niya si Kate Valdez, maraming realizations ang binata pagdating sa isyu ng “expectations vs reality.”
Sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa “Unica Hija”, inamin ni Kelvin ang isang ugali na nais na niyang baguhin sa kanyang sarili na kadalasang nagdudulot ng kanegahan sa kanya.
View this post on Instagram
“Mabilis kasi ako ma-disappoint kahit sa maliit na bagay, dahil sa expectations,” ang simulang pahayag ni Kelvin.
“Inalis ko sa sarili ko ‘yung pag-e-expect sa mga bagay na hindi ko pa naman nahahawakan, which is ang hirap na practice,” pagbabahagi pa ng binata.
Ibinahagi rin ng aktor kung paano niya hina-handle ngayon ang mga personal na problemang nae-encounter niya para hindi na makaapekto da kanyang mental health.
“Ginagawa ko unang-una, madaling sabihin pero mahirap pangatawanan mag-focus sa solutions at hindi sa problema.
“Hindi na ako yung tipong bababaran ‘yung problema na hahanapin mo pa kung sino ang ibi-blame mo o sino ang may kasalanan.
“Binitawan ko na ‘yung ganitong sistema ko. Mas nagwo-work sa akin ngayon kapag may problema, i-admit ko na lang na may problema and hahanapin ko ‘yung solution para maka-move forward ko,” pahayag ni Kelvin.
Aniya pa, “Kapag nagbabad pa ako sa problema doon tumataas ‘yung emotions ko and hindi ko na nako-control, I just overthink.
“Doon ako nadudurog. Para sa akin, solusyon agad ang hinahanap ko. Kung ano ‘yung pwede kong gawin para makaalis ako sa situation na ito,” ang pagpapakatotoo pang sabi ng Kapuso actor.
Mapapanood na ngayong Nobyembre ang “Unica Hija” sa GMA Afternoon Prime. Ito nga ang unang proyekto nina Kelvin at Kate bilang bagong Kapuso loveteam.
Makakasama rin dito sina Katrina Halili, Mark Herras, Maybelyn dela Cruz, Therese Malvar, Biboy Ramirez, Boboy Garovillo, Alfred Vargas, Bernard Palanca, Maricar de Mesa, Faith da Silva, Jennie Gabriel at Rere Madrid.
Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic
Gerald, Julia wala nang magiging problema kapag nagdesisyon nang magpakasal dahil…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.