Gerald, Julia wala nang magiging problema kapag nagdesisyon nang magpakasal dahil... | Bandera

Gerald, Julia wala nang magiging problema kapag nagdesisyon nang magpakasal dahil…

Ervin Santiago - June 02, 2022 - 11:52 AM

Julia Barretto at Gerald Anderson

SIGURADONG walang magiging problema sakaling magdesisyon nang magpakasal ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nakuha na rin kasi ng Kapamilya actor ang loob at pagmamahal ng pamilya ni Julia, kabilang na ang kanyang nanay na si Marjorie Barretto at lolang si Inday Barretto.

In fairness, mas lalo pang nagiging solid ang relasyon nina Julia at Gerald sa paglipas ng panahon at mukhang tanggap na rin ng madlang pipol ang kanilang love affair pagkatapos ng mga pinagdaanan nilang kontrobersiya.

Patunay din ng kanilang mas tumitinding pagmamahalan ang pagiging malapit nila sa kani-kanilang pamilya.

Pinusuan at ni-like ng kanilang mga fans and social media followers ang litrato nina Julia at Gerald kung saan kasama nila ang nanay ng aktor na si Ginang Evangeline na kuha sa isang restaurant.

Dito makikitang yakap ni Gerald ang dalawang babaeng importante sa buhay niya. May litrato rin si Julia kasama ang nanay ni Gerald na kuha naman ng kapatid ni Gerald na si Ken Anderson.

At meron din kaming nakitang photo ni Gerald kasama nga ang lola ni Julia na si Inday Barretto.

Sa nakaraang virtual presscon ng bagong serye ni Gerald sa ABS-CBN na “A Family Affair”, natanong nga siya tungkol sa mga bonding moments niya kasama ang pamilya ni Julia.

“Importante iyan na mga mahal ng mahal mo, mahal ka rin at mahal mo sila, at okay kayo lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


“Sa awa ng Diyos, ganu’n yung set-up. They’re great people. Masarap kausap. Punong-puno ng wisdom and masaya kasama,” pahayag ng binata.

Samantala, proud na proud naman si Gerald sa upcoming series niya sa ABS-CBN na “A Family Affair” kasama sina Ivana Alawi at Sam Milby kung saan tatalakayin ang iba’t ibang problema at challenges na pinagdaraanan ng magkakaibigang parang tunay na pamilya na ang turingan.

Ayon kay Gerald, tulad ng kanyang karakter sa serye ay matindi rin siyang magmahal.

“The same na poprotektahan natin mga mahal sa buhay. Poprotektahan natin at all cost pagmamahal natin sa pamilya, pagmamahal natin sa partner natin,” pahayag ni Gerald.

Kasama rin sa “A Family Affair” sina Jameson Blake at Jake Ejercito.

https://bandera.inquirer.net/314689/bea-alonzo-wala-pang-balak-magpakasal-at-magbuntis-kanya-kanya-lang-tayo-ng-timeline

https://bandera.inquirer.net/308998/body-shamer-sunog-kay-angel-malaki-ang-problema-mo-sa-katawan-ko-pero-mas-problema-ang-face-at-ugali-mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311331/xian-lim-payag-bang-magkaroon-sila-ni-kim-chiu-ng-prenup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending