Maja Salvador may picture kasama si Park Seo-joon

Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi…

Pauline del Rosario |December 24,2023
facebook
share this

Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi…

Pauline del Rosario - December 24, 2023 - 01:26 PM

Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi...

PHOTO: Instagram/@maja

KAHIT pilit niyang tinatago, halatang-halata ang pagka-fangirl ng aktres na si Maja Salvador matapos makasama sa isang event ang sikat na Korean actor na si Park Seo-joon.

Sa social media post ni Maja recently, makikita na dumalo siya kasama ang mister na si Rambo Nuñez sa premiere ng Korean TV series na “Gyeongseong Creature” na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ibinandera ng aktres sa Instagram Stories ang isang picture kung saan ngiting-ngiti siya habang nasa likod ng Korean actor.

“Saktong ngiti lang ako para di halata! Tingnan mo ikaw [Park Seo-joon], halatang kilig ka,” biro ni Maja sa caption.

Baka Bet Mo: Bea mas matigas daw ang puso kay Maja kaya hindi pa rin mapatawad si Gerald, hirit ng netizens: ‘Mas matindi naman kasi ginawa sa kanya’

Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi...

PHOTO: Instagram Story/@maja

Kasunod niyan ay nag-post ulit siya kung saan naka-zoom naman ang kanyang mister na katabi niya sa picture.

“Pero ang totoo, saktong ngiti lang [ako] kasi nasa likod ko pala asawa ko! [I love you, Rambo!]” paglilinaw niya.

Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi...

PHOTO: Instagram Story/@maja

Nagpahayag pa ng kasiyahan si Maja sa kanyang IG account dahil nabanggit niya na kahit hindi niya nakita si Seo-joon nang bumisita dito sa Pilipinas noong Oktubre ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makita sa ibang bansa.

“Hindi man kita nakita sa manila…pero sa BKK naman tayo nag tagpo [white heart emoji],” wika niya sa comment section ng kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)

Nitong buwan lamang nang ibinalita ni Maja na siya ay buntis sa panganay nila ni Rambo.

Maaalalang dalawang beses ikinasal ang dalawa kung saan nagkaroon sila ng civil ceremony noong Pebrero at ang pangalawa ay ginanap sa Bali, Indonesia noong Hulyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending