SB19 Josh plinex ang bagong tattoo sa braso

SB19 Josh plinex ang bagong tattoo sa braso: It is a character that I paint

Pauline del Rosario |December 23,2023
facebook
share this

SB19 Josh plinex ang bagong tattoo sa braso: It is a character that I paint

Pauline del Rosario - December 23, 2023 - 10:29 AM

SB19 Josh plinex ang bagong tattoo sa braso: It is a character that I paint

PHOTO: Instagram/@josh_cullen_s , @mjoan8488

MAY bagong tattoo si Josh Cullen, ang isa sa mga miyembro ng Pinoy pop sensation na SB19.

Exclusibo niya itong ipinakita sa nakaraang media conference kasabay ng launching ng kanyang music video para sa bago niyang single na “Get Right.”

Sa naging question and answer with the media, may isang entertainment press ang umusisa tungkol sa bagong tattoo ni Josh at open na open naman itong ibinahagi ng singer.

Hinubad pa nga niya ang suot na jacket at ipinakita sa aming lahat ang itsura ng kanyang bagong tattoo.

Nakita namin na hindi pa ito tapos, pero may tila mukha ng babae.

Hindi nakunan ng BANDERA ang malinaw na video o picture ng braso ni Josh habang pineplex niya ito sa amin, pero nakahanap kami ng litrato na naka-tag sa kanya at kita ang nasabing tattoo.

Baka Bet Mo: SB19 Josh chinika ang paghahanda sa AAA 2023 performance: It’s crazy, super!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𓆩🖤𓆪J.C.S𓆩🖤𓆪 (@mjoan8488)

Ayon kay Josh, siya mismo ang nag-design ng kanyang bagong tattoo na nagpapaalala sa kanya sa mga taong humihila sa kanya pababa.

“Well, hindi pa siya kumpleto, hindi pa siya buo, pero I got a tattoo dito sa arm ko…It is a character that I paint,” kwento niya.

Patuloy niya, “Meron kasi siyang hands na pinu-pull ‘yung tongue…basically parang may mga linnings pa siya.”

“Pero ‘yung tattoo na ‘to, it’s a girl vampire with a doctor plague na headdress,” dagdag niya.

Paliwanag pa niya, “‘Yung doctor pague, it represents the – na parang mga tao siguro na parang na-poison ng sistema and ito ‘yung hands with a tongue, it represents ‘yung mga taong pilit na humihila sa akin pababa ang ‘yung parang mga nagmi-milk, ‘yun na ‘yun.”

Kasunod niyan ay naitanong naman ng BANDERA kung gusto niyang i-try ang ang pag-arte sakaling may mag-offer sa kanya.

Pagbubunyag ni Josh, noon pa man ay marami na ang nag-aalok sa kanya ng acting project.

Hindi lang, aniya, ito tinatanggap dahil mas gusto niyang mag-focus na muna sa kanyang musc career.

“Pero being an artist is also part of the– siyempre, acting. Kasama ‘yan sa paggawa ng music video and it’s a good thing to explore din,” paliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin naman namin kung ano ang dream role niya sakaling magkaroon na siya ng sariling pelikula.

Sey niya, “‘Yung role, gusto ko talaga psycho eh, something like that ‘yung medyo uncommon.”

“Kasi feeling ko, I’ll do good on those kinds of roles since I love playing horror games and I love watching thriller movies,” ani pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending