Dating 'kabit' tweet ni Herlene Budol, binalikan ng netizens

Dating ‘kabit’ tweet ni Herlene Budol, binalikan ng netizens

Therese Arceo |December 21,2023
facebook
share this

Dating ‘kabit’ tweet ni Herlene Budol, binalikan ng netizens

Therese Arceo - December 21, 2023 - 02:04 PM

Dating 'kabit' tweet ni Herlene Budol, binalikan ng netizens

Rob Gomez at Herlene Budol

UNGKATAN ng past ang tema ng mga netizens matapos nilang balikan ang dating tweet ni Herlene Budol ukol sa mga kabit.

Kasalukuyang viral at trending ang dalaga matapos mag-leak ang diumano’y conversation nila ng kanyang leading man sa “Magandang Dilag” na si Rob Gomez sa social media.

Ang mga naturang palitan ng mensahe umano nina Herlene at Rob ay uploaded sa mismong Instagram account ng Kapuso actor.

Bagamat deleted na ngayon ang mga posts maging ang iba pang screenshots ng mensahe kung saan damay pati sina Bianca Manalo at Pearl Gonzales, marami na ang nakapagtago ng “resibo” kaya wala na ring ligtas sa intriga ang mga netizens.

Isa rin sa rason kung bakit marami ang naiinis ngayon kay Herlene dahil aware ang lahat na may girlfriend ito na isa ring beauty queen noon na si Shaila Rebortera at may anak silang babae na si Amelia.

Hindi nga mapigilan ng mga netizens ang balikan ang dating tweet ng Kapuso star ukol sa mga kabit.

Baka Bet Mo: Herlene Budol pumalag sa viral screenshots: Bakit ako nakaladkad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hirap na hirap akong magka jowa, tapos basic lang sa iba ‘yung magkaroon ng kabet,” tweet ni Herlene noon.

Dagdag pa niya, “Tandaan, nanabunit si pretty sa mga kabet!”

Herlene Budol's tweet

Sey ng ilang netizens, tila na-back to you daw si Herlene dahil sa kasalukuyan ay ang alam ng madlang pipol ay in a relationship pa si Rob kay Shaila na ibinandera pa niya sa kanyang Instagram account.

Dinenay naman ng dalaga ang chikang buntis siya dahil may kumakalat rin na balitang baka preggy ito dahil sa in-upload na pregnancy test kasabay ng usapan nila umano ni Rob.

Bukod kay Herlene, kumalat rin ang usapan umano nina Pearl Gonzales at Bianca Manalo sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending