Bianca Manalo dedma sa isyu nila ni Rob Gomez, gumala sa Japan

Bianca Manalo dedma sa isyu nila ni Rob Gomez, gumala sa Japan

Therese Arceo |December 21,2023
facebook
share this

Bianca Manalo dedma sa isyu nila ni Rob Gomez, gumala sa Japan

Therese Arceo - December 21, 2023 - 01:01 PM

Bianca Manalo dedma sa isyu nila ni Rob Gomez, gumala sa Japan

Bianca Manalo

 

MUKHANG unbothered queen ang atake ng actress-beauty queen na si Bianca Manalo sa kasalukuyang kinasasangkutang kontrobersya kasama ang Kapuso actor na si Rob Gomez.

Base sa kanyang latest Instagram stories ngayong araw ay abala ito sa pagrampa sa Tokyo, Japan kasama ang kanyang mga magulang.

Kahapon lang nang maging matunog ang pangalan ni Bianca matapos mag-leak ang diumano’y mensaheng ipinadala niya kay Rob.

Ang mga screenshots ay uploaded mismo sa Instagram account ni Rob kasama na rin ang iba pang convo nito kay Herlene Budol at Pearl Gonzales.

Base sa screenshot ng ipinadalang mensahe diumano ni Bianca sa Instagram, “You didn’t reply on telegram. Meron ka nanaman napick up na ibang girl noh?”

May ipinadala rin itong mensahe sa Telegram kung saan tinatanong niya kung maaari raw ba silang magkita ng 7am at nasa Makati raw siya dala ang mga aso.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo, Rob Gomez pasikretong nagkikita, may ‘something’ nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasama nito ang viral ngayong statement umano ni Bianca na, “He’s not here. He’s in Valenzuela.”

Bagamat walang sinabing pangalan, ang hinuha ng netizens na “he” ay ang boyfriend nitong si Sen. Win Gatchalian na dating mayor ng Valenzuela.

Trending nga rin si Bianca sa X (dating Twitter) kung saan marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento ukol sa viral screenshots ng diumano’y mensahe ng actress-beauty queen kay Rob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang nanggigigil sa aktres lalo na’t kilala itong may karelasyon at maging si Rob ay kasalukuyang inaayos ang kanyang relasyon sa girlfriend na si Shaila Rebortera na ina ng kanilang anak na si Amelia.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nananatiling walang pahayag o reaksyon si Bianca ukol sa isyung kinasasangkutan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending