Derek na-stress sa love scene nila ni Beauty sa 'Kampon'

Derek na-stress sa love scene nila ni Beauty sa ‘Kampon’, kinurot ni Ellen

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Derek na-stress sa love scene nila ni Beauty sa ‘Kampon’, kinurot ni Ellen

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 07:35 AM

Derek na-stress sa love scene nila ni Beauty sa 'Kampon', kinurot ni Ellen

Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, Zeinab Harake at Erin Espiritu

SINUPORTAHAN ng kani-kanilang asawa sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez sa ginanap na premiere night ng pelikula nilang “Kampon.”

Talagang nanood ang mister ni Beauty na si Norman Crisologo at ang wifey ni Derek na si Ellen Adarna kahit alam nilang may halikan at love scene ang kanilang mga partners sa nasabing entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Kuwento ni Derek sa naging reaksyon ni Ellen, especially yung intimate scenes niya kay Beauty at kay Zeinab Harake, tinutukan daw ng dating sexy star ang kabuuan ng pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“May mga kurot-kurot lang siya, pero she’s a very supportive wife. And we are all professionals here.

“Ellen has no problems will all of that. We were holding hands lang all throughout the movie medyo lumalabas-labas lang siya ng sinehan dahil mahilig umihi yan, e,” chika ng aktor.

Sa unang panayam ng press kay Derek, sinabi niyang “stressful” pagtatambal nila ni Beauty sa pelikula dahil nga bestfriend ni Ellen ang aktres.

“Sobra (awkward), parang hindi na siya puwedeng pumasok sa bahay ko. Ha-hahahaha! Pag-uwi ko galing sa shooting, sinabi ko sa kanya na ‘most stressful day of my life’ kasi, kahit mas intense ang love scene namin ni Zeinab, pero mas mahirap ang sa amin ni Beauty.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Dolly de Leon rumampa sa Hollywood premiere ng ‘A Very Good Girl’

“Wholesome lang naman yun, kiss-kiss lang, tapos hihiga na. Ganu’n lang naman,” aniya pa.

“Very close sila and Beauty visits us sa bahay or we hang out together, so doing a love scene with her on cam is kind of nakakailang.

“I talked to Ellen about it but she just laughed it off. So at first, it’s difficult, uncomfortable, but Beauty is very professional about so we are able to deal with it very quickly.

“Naitawid naman namin at itinodo na namin in one take para hindi na ipaulit ng director namin. But si Ellen, she’s actually happy na ang ka-love scene ko in my comeback movie is somebody she knows.

“But I also have a love scene with Zeinab Harake and again, it’s difficult for me, kasi nga matagal akong nabakante when it comes to acting,” sabi pa ni Derek.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Base sa napanood namin during the premiere night, hindi naman ganu’n katindi ang love scenes ni Derek kina Beauty at Zeinab. Saktung-sakto lang naman para sa isang horror movie.

In fairness, napakahirap ng role ni Derek sa “Kampon” bilang isang pulis na may itinatagong sikreto at “nakabuntis” (kahit baog siya) ng babaeng first time lang niyang nakilala (Zeinab) pero naitawid niya ito nang bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa ‘Ako Si Ninoy’; Vince Tañada may inamin sa premiere night

Posibleng ma-nominate si Derek sa pagka-best actor para sa “Kampon” pati na si Beauty na iba’t ibang emosyon din ang ipinakita sa movie.

Pero ang talagang nagmarka sa amin ay ang child star na si Erin Espiritu na ang galing-galing sa role niya bilang “anak” ni Derek kay Zeinab. Ibang klase ang ipinakitang akting ng bagets sa movie.

Sabi nga ng halos lahat ng nakapanood sa premiere night ng “Kampon”, hindi na sila magtataka kung si Erin ang manalong Best Child Performer sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal na magaganap sa December 27.

Agree rin kami sa mga nagkomento na pelikula ni Erin ang “Kampon” dahil mula simula hanggang ending ay naroon siya at talagang aabangan n’yo ang mga susunod niyang eksena habang nililinlang ang mga karakter nina Derek at Beauty.

Kakaibang horror movie ang “Kampon” dahil pag-iisipin talaga nito ang mga manonood lalo na sa naging ending nito na iniwan sa mga manonood kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Hindi na namin idedetalye ang mga naging kaganapan sa kuwento ng pelikula para masorpresa rin kayo kapag pinanood n’yo ang “Kampon” sa mga sinehan simula sa December 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Kampon” ay mula sa direksyon ni King Palisoc under Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Kasama rin dito sina Nico Antonio, Cai Cortez at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending