JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa 'Ako Si Ninoy'; Vince Tañada may inamin sa premiere night | Bandera

JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa ‘Ako Si Ninoy’; Vince Tañada may inamin sa premiere night

Ervin Santiago - February 20, 2023 - 08:09 AM

JK Labajo pinatunayan ang galing sa pagkanta at pagdadrama sa 'Ako Si Ninoy'; Vince Tañada may inamin sa premiere night

JK Labajo at Vince Tañada

NAPANOOD na namin ang bagong pelikula ng controversial actor-director na si Vince Tañada, ang “Ako Si Ninoy” sa naganap na premiere night nito kamakalawa ng gabi, February 18.

In fairness, punumpuno ang (Standing Room Only) ang Cinema 7 ng Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati City kung saan ipinalabas ang pelikulang tumatalakay sa ilang bahagi ng buhay ni dating Sen. Ninoy Aquino.

Of course, nasa premiere night ang  bida ng musical-drama na si Juan Karlos “JK” Labajo, na siyang gumaganap bilang si Ninoy, kasama ang iba pang members ng cast, tulad nina Marlo Mortel, Pinky Amador, Donita Nose at Sharmaine Suarez.

Nasa cast din sina Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Cassy Legaspi, Joaquin Nicole Laurel at JM Yosures with Adelle Ibarrientos, Vean Olmedo, Jomar Tañada, Brae Luke Quitante, Bodjie Pascua, Tursday Vargas, Sarah Javier at Brylle Mondejar.

Na-enjoy naman namin ang kabuuan ng movie na hindi lang kay Ninoy Aquino umikot ang kuwento. Maganda ang pagkakalahad ng 11 fictional characters sa pelikula na sumisimbolo sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by juan karlos (@juankarlos)


Nandiyan sina Noli, Ivy, Ms. Nuñez, Oscar, Yosef, Andeng, Quentin, Dr. Ungria, Ingrid, Nanding at Osborne na kapag pinagsama-sama ang mga initial ay mabubuo ang pangalang NINOY AQUINO.

Winner din ang mga ginamit na mga songs sa movie, lalo na ang mga kinanta ni JK. Puro palakpakan ang maririnig sa loob ng sinehan sa bawat pasabog na eksena.

Kabilang na riyan ang napakabigat na crying scene ni JK sa loob ng piitan kung saan kinanta niya ang bagong version ng hit song niyang “Buwan.” Nagkakaisa ang lahat ng nakapanood sa movie na napakagaling ng singer-actor sa pagganap niya bilang Ninoy.

Kaya hindi na kami magtataka kung umani ng nominasyon at manalong best actor si JK para sa nasabing musical-drama film.

Bago magsimula ang screening ng pelikula, nagkuwento muna ang writer-director-producer na si Atty. Vince Tañada kung bakit super special sa kanya ng proyektong ito.

“In 1983, my late dad brought me to the biggest funeral in Philippine history. At age 10, I was part of the two million who attended.

“And for some reason, maybe because of the large group of people who attended, my dad lost me. And eventually he found me, clinging tightly to the black fabric connected to the big truck serving as Ninoy’s funeral hearse.

“Hanggang sa panahong ito, hindi ko po maintindihan ang relevance ng kuwentong iyon ng tatay ko. Kasi I was 10.

“At tuwing nag-iinuman sila kasama ng mga barkada niya, lagi niyang ipinagyayabang iyun. Na nawala daw ako at natagpuan niya ako na yakap-yakap yung tela sa truck ni Ninoy.

“But tonight, alam ko na po ang dahilan.Nais ko pong magbigay sana ng tribute kay Ninoy gamit ang aking sining. Kaya lang po, alam kong hindi iyon ang gusto niya.

“In 2009, the Benigno Aquino Foundation commissioned me to write a stage musical entitled Ako Si Ninoy.

“And I remember the exact words of late President Cory Aquino. She said, ‘Don’t write only about us. Write also about our people.’

“Well, humble talaga si Tita Cory. Ako naman, bilang bagong manunulat noon, sumunod. At ngayon, eto na nga po iyung pelikula natin.

“It is only tonight that I understand the relevance of the triumvirate, that powerful triangle, that invisible tie — Ninoy, Cory, and the Filipino people.

“Pasensya na po kayo, nanloko po ako. Pasensya na po sa pamilya. Hindi po ito Ninoy biopic. Bagama’t iyun po ang prinomote namin sa lahat, hindi po ito tungkol kay Ninoy lamang. Kasi ayaw ko pong magalit si Ninoy at si Cory sa akin.

“Tungkol po ito sa atin bilang isang nasyon. Tungkol po ito sa ating mga kababayan. At pagkatapos po akong libakin. Nagsimula nung Katips, at mas lalo ngayon. I still have faith in the Filipino people.

“At sa pamamagitan po ng pelikulang ito, sana, I know that this may not be much, pero sana, masabi pa rin natin that the Filipino is worth living for, that the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for. Maraming salamat po,” mensahe pa ni Direk Vince na sinundan ng malakas na palakpakan mula sa audience.

Sabi naman ni Pinky Amador na agaw-eksena rin ang mge eksena sa movie bilang principal na mala-Imelda Marcos ang OOTD, “Tonight is quite a memorable evening.

“And I personally think that this is such an amazing film to be shot, shown, directed, and produced at this particular time. And I’m so honored to be part of this cast. Sa mga matatapang, sa mga tumitindig, at sa mga naniniwala sa katotohanan!

“Sana po lahat tayo mag-enjoy, and I hope we all leave the cinema with new stories and newfound inspiration!” sabi ng veteran actress.

Showing na sa lahat ng sinehan nationwide ang “Ako Si Ninoy” simula sa February 22.

Darryl Yap may patutsada sa trailer ng ‘Ako si Ninoy’ ni Vince Tañada: ‘Gayang-gaya naman yung ‘Maid In Malacañang’! Ha-hahaha!’

Hindi pagdalo ni Edu Manzano sa presscon at premiere night ng ‘Mamasapano’ nababahiran ng intriga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris walang anumang uri ng cancer; may tanong sa yumaong amang si Ninoy Aquino…ano kaya yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending