Darryl Yap may patutsada sa trailer ng 'Ako si Ninoy' ni Vince Tañada: 'Gayang-gaya naman yung 'Maid In Malacañang'! Ha-hahaha!' | Bandera

Darryl Yap may patutsada sa trailer ng ‘Ako si Ninoy’ ni Vince Tañada: ‘Gayang-gaya naman yung ‘Maid In Malacañang’! Ha-hahaha!’

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

Darryl Yap may patutsada sa trailer ng ‘Ako si Ninoy’ ni Vince Tañada: ‘Gayang-gaya naman yung ‘Maid In Malacañang’! Ha-hahaha!’

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 02:13 PM

Darryl Yap may patutsada sa trailer ng 'Ako si Ninoy' ni Vince Tañada: 'Gayang-gaya naman yung 'Maid In Malacañang'! Ha-hahaha!'

Official poster ng ‘Aio Si Ninoy’, Cristine Reyes at Darryl Yap

NGAYON pa lang ay nagbabadya na ang palitan ng maiinit at maaanghang na salita sa pagitan ng kampo nina Darryl Yap at Vince Tañada.

Matindi ang naging salpukan ng dalawang direktor nitong nagdaang taon nang magtapat sa takilya ang kanilang mga pelikula — ang “Maid In Malacañang” ni Darryl at “Katips” ni Vince.

Tungkol sa buhay ng pamilya Marcos ang movie ni Direk Darryl habang tinalakay naman sa pelikula ni Vince ang ilang mahahalagang kaganapan noong Martial Law.

Ilang beses nagsagutan sa social media ang dalawang filmmaker na talaga namang pinag-usapan nang bonggang-bongga ng mga Marites all over the universe.

At nito ngang nakaraang araw, tila may patutsada nga ang direktor ng pelikulang “Martyr or Murderer” (MoM) sa kanyang Facebook post, matapos lumabas ang official trailer at poster ng “Ako si Ninoy” na bagong pelikula rin ni Vince Tañada.

Ang paniwala ng madlang pipol, ang “Ako si Ninoy” ang ipangtatapat sa second installment ng blockbuster hit na “Maid in Malacañang” o “MiM.”

“Wait lang po, shinoshoot pa yung sasabitan n’yo,” ang pahayag ni Darryl na nasa Morocco ngayon kung saan kinukunan ang “MoM.”

Hirit pa niya sa sumunod niyang FB post, “Gayang-gaya naman yung #MiM hahahaha! Taenang tae ’to, di na lang namatay kaninang 9:30pm.” Na ang tinutukoy nga ay ang “Maid In Malacanang.”

Komento ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero, “Wala, soulmate mo ata ‘yan. Hahahaha.”

Sey naman ng kaibigang komedyante ni Darryl na si Juliana Parizcova Segovia, “Sumabay na, gumaya pa… sakit nila sa gums.”

Narito ang ilan pang reaksyon ng netizens sa post ni Direk Darryl Yap.

“I’ve watched MiM and it was also
shown here in Australia. It was so good I clapped my hands after the movie . And they follow me.”

“Sakay na sakay! ginaya ang original datapwat sablay haha! excited much for MoM. hanggang trailer view lang makukuha ng ASN hahaha.”

“Talagang Walang Originality mga KAKAMPWET. Sabi nga ni the late Cherry Gil (aka) Lavinia Arguelles: You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!”

“Sa sobrang kasikatan mo direk, kelangan talagang magaya lahat ng moves mo. Hahaha.”

“Walang kadala dala Ito…Sibuyas talaga parating nakasahog at Alulod lahat sinasahod. Sa lahat ng ALULOD, ITO ANG LAGING TAPON.”

Kris pinatamaan nga ba si Darryl Yap sa ‘birthday tribute’ para kay Ninoy Aquino?

Cristy Fermin binalaan si Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap: Ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap may pa-countdown na sa part 2 ng Maid In Malacañang; sino nga kaya kina Herbert at Phillip ang gaganap na Ninoy Aquino?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending