Hindi pagdalo ni Edu Manzano sa presscon at premiere night ng 'Mamasapano' nababahiran ng intriga | Bandera

Hindi pagdalo ni Edu Manzano sa presscon at premiere night ng ‘Mamasapano’ nababahiran ng intriga

Reggee Bonoan - December 18, 2022 - 07:56 PM

PALAISIPAN sa amin kung bakit hindi dumalo si Edu Manzano sa premiere night ng pelikulang “Mamasapano:  Now It Can Be Told” na entry ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdinand Topacio sa Metro Manila Film Festival 2022

Mahalaga ang role ni Edu sa kuwento na isinulat ni Eric Ramos at idinirek ni Lester Dimaranan.  Ginampanan nito ang karakter ni Police Deputy Director General Benjamin Magalong ng Philippine National Police (mula 1982-2016).

At dahil siya ang nakaupo noong namatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF at nadamay siya sa gulo kaya nagretiro na rin sa serbisyo. Kasalukuyan siyang mayor ng Baguio City simula 2019.

Hindi rin daw dumalo ang aktor noong grand mediacon ng “Mamasapano” dahil may prior commitment.

Ito rin ang ibinigay na dahilan kaya wala siya sa premiere night ng pelikula nila nina Paolo Gumabao, Rico Barrera, Allan Paule, Rey Abellana, Gerald Santos, Juan Rodrigo, Rez Cortez, Jervic Cajarop at Aljur Abrenica with guest appearance of Claudine Barretto, Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Namumukod tanging si Edu ang wala sa cast.

Natawa nga ang mga miyembro nh media na nag-cover sa event dahil nasa gilid ng entablado ang standee ni Edu na pinaalis ni Atty. Topacio, “Tanggalin mo na si Edu wala naman siya, eh!”

Anyway, sa pagkakaalam namin ay magkaibigan sina Edu at Kris Aquino kaya kabilang ang aktor sa tinatawag na Dilawan.

Base kasi sa kuwento ng pelikula ay ang namayapang Presidente Noynoy ang itinutur umanong dahilan kaya namatay ang SAF 44 dahil sa kakulangan ng komunikasyon at paghahanda bukod sa hindi rin kaagad nabigyan ng agarang tulong mula sa mga kasamahang pulis at sundalo.

Hindi rin dumalo ang dating pangulo nang dumating ang mga labi ng SAF 44 sa Villamor Air Base, Pasay City dahil dumalo ito sa inauguration ng Mitsubishi Motors’ sa Santa Rosa City sa Laguna.

Wala naman sigurong koneksyon ito kay Edu, baka nga lang hindi kinaya ng schedule niya kaya hindi siya nakadalo.

Samantala, dalawang sinehan ang inokupa ng “Mamasapano”  premiere night dahil sa rami ng invited friends ni Atty. Topacio, kabilang ang mga politiko pero hindi sila napansin ng media dahil late silang nagpasukan sa loob ng sinehan at naunang lumabas bago ito matapos.

Nakita namin doon si dating Pampanga 2nd district Rep. Mikey Arroyo kasama ang dalawang aide at narinig din naming nagtanong ang representatives ni dating Tarlac Governor and Philanthropist Tingting Cojuangco sa usherette kung saan sila uupo.

Sa pakiramdam namin ay maraming manonood sa “Mamasapano” sa December 25 dahil marami pa ring curious kung paano namatay ang SAF 44 at ang iba pang isyung nakapaloob dito na hindi na inilabas sa media.

Related Chika:

Paolo Gumabao, Rico Barrera at iba pa kinasuhan dahil sa pelikulang ‘Mamasapano’; Atty. Topacio umalma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Gumabao nakasuhan dahil sa pagti-TikTok suot ang SAF uniform: It’s a lesson learned for me at hindi na mauulit

‘Mamasapano’ siguradong magiging kontrobersyal kapag ipinalabas na sa Pasko; akting ni Paolo Gumabao pang-best actor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending