Paolo Gumabao, Rico Barrera at iba pa kinasuhan dahil sa pelikulang 'Mamasapano'; Atty. Topacio umalma | Bandera

Paolo Gumabao, Rico Barrera at iba pa kinasuhan dahil sa pelikulang ‘Mamasapano’; Atty. Topacio umalma

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 07:53 AM

Paolo Gumabao, Rico Barrera at Aljur Abrenica

NAGULAT kami sa rebelasyon ni Atty. Ferdinand Topacio na ilan sa cast members at production staff ng pelikulang “Mamasapano: Now It Can Be Told” ay kinasuhan pala ng Special Action Force (SAF).

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong illegal use of uniform and insignia sina Paolo Gumabao, Rico Barrera, at iba pang involved sa production ng “Mamasapano.”

“Ngayon pa lang, may humaharang. Alam niyo, nakakalungkot. Eto, nakakatawa para sabihin ko sa inyo, ha,” kuwento ni Atty. Topacio sa mediacon nitong nagdaang Lunes, Setyembre 5.

Ang “Mamasapano” ay ipinrodyus ni Atty. Topacio na tumatalakay sa kalunus-lunos na sinapit ng mga sundalong involved sa “Oplan Exodus” ng SAF noong January 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.

Lahad pa ng abogado, “Noong una, very cooperative yung SAF. Si Gen. (Amando Clifton) Empiso yung hepe. Nu’ng nagpalit, alam n’yo ang ginawa? Idinemanda pa kami ng SAF mismo, ha?

“Yung film namin ay para i-glorify yung kabayanihan ng SAF. Idinemanda kami ng SAF! Alam niyo kung ano ang demanda? Illegal use of uniform and insignia.

“Ipinakita namin sa kanila du’n sa piskalya. Ito, may permiso kami kay Gen. Empiso. Ano ba yung mga pinagsasabi niyo? Hindi niyo yata alam ang ginagawa niyo?

“Sabi ko, ‘Nakakainsulto kayo. Idedemanda niyo pa si Paolo Gumabao? Idedemanda niyo ang mga artista namin, sina Rico Barrera? Pambihira naman kayo.

“Ang mga taong ito ay nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para ipakita ang kabayanihan ng SAF… idedemanda niyo? Idinemanda sila sa piskalya. Ongoing pa,” ayon sa producer ng pelikula.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Sa tanong kung ano ang naging reaksiyon nina Paolo, Rico at iba pang kinasuhan ng SAF, “Siyempre, hindi sila natutuwa. Anyway, I’m protecting them, I gave them lawyers.

“Kita niyo, ha? Additional abala pa. Pinapunta pa nila si Paolo du’n sa piskalya! E, bising-busy yung tao, di ba?” ang emosyonal pang pahayag ni Atty. Topacio.

Mukhang ngayon pa lang ay kontrobersyal na ang “Mamasapano” kaya natanong ang kilalang abogado kung ito na ba ang pelikulang susunod na magiging maingay pagkatapos ng “Maid In Malacañang”.

“Well, we don’t know. Kami, hindi naman kami naghahanap ng kontrobersiya. Ano lamang kami, anong tawag dito? Gusto lang naming sabihin yung katotohanan.

“This is a project close to me because ako yung abogado ng mga magulang ng SAF 44. Kung igu-Google niyo, ako yung nag-file ng kaso against President Noynoy Aquino one day after he stepped down from power.

“Kasi, pag presidente, immune from suit, e. Nu’ng wala na siyang immunity from suit, idinemanda na namin siya for the deaths of the 44 SAF troopers,”’ aniya pa.

Ang iba pang bibida sa “Mamasapano” movie ay sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Claudine Barretto, Allan Paule, Myrtle Sarrosa, JC de Vera, Ritz Azul, Mikey Arroyo at marami pang iba, mula sa direksyon nina Lester Dimaranan at Law Fajardo.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng SAF hinggil sa mga rebelasyon ni Atty. Topacio.

https://bandera.inquirer.net/323223/deniece-cornejo-hindi-iuurong-ang-rape-case-laban-kay-vhong-navarro-laban-kung-laban-wala-nang-atrasan
https://bandera.inquirer.net/306141/aljur-tumaas-pa-ang-respeto-sa-pulis-sundalo-dahil-sa-mamasapano-nahirapan-ako-para-sa-kanila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280714/markki-stroem-kinasuhan-ang-namirata-ng-mga-hubot-hubad-na-litrato
https://bandera.inquirer.net/306367/edu-na-misplace-ang-uniform-paraphernalia-ng-heneral-takot-na-takot-ako-hindi-ko-alam-ang-gagawin-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending