'Mamasapano' siguradong magiging kontrobersyal kapag ipinalabas na sa Pasko; akting ni Paolo Gumabao pang-best actor | Bandera

‘Mamasapano’ siguradong magiging kontrobersyal kapag ipinalabas na sa Pasko; akting ni Paolo Gumabao pang-best actor

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 07:39 AM

'Mamasapano' siguradong magiging kontrobersyal kapag ipinalabas na sa Pasko; akting ni Paolo Gumabao pang-best actor

Paolo Gumabao, Rico Barrera at Aljur Abrenica

SIGURADONG magiging kontrobersyal at pag-uusapan ang isa sa mga official entry ng Metro Manila Film Festival 2022 na “Mamasapano: Now It Can Be Told”” na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Paolo Gumabao at Aljur Abrenica.

Napanood na namin ang “Mamasapano” sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall cinema 8 kamakailan na dinaluhan ng ilan sa lead stars ng movie.

In fairness, may laban sa aktingan at ilang technical aspects ang pelikula kaya hindi na kami magtataka kung makatanggap ito ng awards sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal.

Partikular naming babanggitin ang pangalan ni Paolo Gumabao dahil napakagaling niya sa kabuuan ng pelikula bilang si Supt. Raymond Train, ang isa sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na nakipagbakbakan laban sa mga rebeldeng terorista sa Maguindanao.

Tinalakay nga sa pelikula ang kuwento ng makasaysayang Mamasapano clash na naganap noong January 25, 2015 kung saan 44 miyembro ng SAF ang namatay sa gitna ng pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Ipinakita rin dito ang mga pangyayaring hindi pa alam ng sambayanang Filipino sa likod ng pagpatay sa mga SAF fighters at ang kung paano ito hinarap ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sure na sure kami na kapag napanood n’yo ang pelikula ay maraming tanong ang maiiwan sa inyong isipan — totoo nga kayang nagkulang at pinabayaan ng pamahalaan ang mga miyembro ng SAF na nagresulta sa kanilang kamatayan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Maganda ang pagkakalahad ng kuwento ng “Mamasapano” at tiyak din na magmamarka sa mga manonood ang huling bahagi ng pelikula kung saan isa-isa na ngang pinapaslang na parang mga hayop ang mga SAF members.

Ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” ay mula sa direksyon ni Lester Dimaranan at mula sa panulat ni Eric Ramos.

Bukod kina Paolo, Edu na gumagamap bilang Gen. Benjamin Magalong at Aljur as Lt. Franco, ka-join din sa cast sina Alan Paule bilang Gen. Getulio Napenas, Rey “PJ” Abellana bilang Col. Pabalinas, Gerald Santos bilang Sgt. Lalan, Rez Cortez bilang Gen. Alan Purisima, Juan Rodrigo bilang Secretary Mar Roxas, at Jervic Cajarop bilang President Noynoy Aquino.

May special participation din sina Jojo Abellana, Ronnie Liang, Jim Pebanco, Tom Olivar, Rico Barrera, LA Santos, Marcus Madrigal, AJ Oteyza, Marco Gomez, Rash Flores, Elmo Elarmo, at Nathan Cajucom. May guest appearance naman sina Claudine Barretto, Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Samantala, sa panayam ng ilang press kay Atty. Ferdinand Topacio, ang producer ng “Mamasapano” under his Borracho Film Production, natanong siya kung satisfied siya sa akting nina Aljur at Paolo.

“Intense, intense! At pati pag-aaksyon nila, bumilib ako. Actually, the movie nu’ng nakita kong tapos na, exceeded all our expectations. Napakaganda talaga.

“We owe it to the director. Ang ganda nu’ng photography, maniwala ka! Very innovative si Paul Magsino. Pati yung editing. Siya na rin ang editor, e.

“So, it was really a collective effort. Kami yung nag-revise ng script. Ako na yung nag-compose ng theme song.

“Kami na rin ang naglagay ng musical scoring. Yung cinematography, location, kami na rin ang nag-location scout.

“Puro kami na rin. Sana kapag pinalabas, hindi lang kami ang manood. May ibang manood,” pahayag ng abogado.

Showing na sa December 25 ang “Mamasapano: It Can Be Told” sa lahat ng sinehan nationwide.

Paolo Gumabao, Rico Barrera at iba pa kinasuhan dahil sa pelikulang ‘Mamasapano’; Atty. Topacio umalma

Aljur tumaas pa ang respeto sa pulis, sundalo dahil sa ‘Mamasapano’: Nahirapan ako para sa kanila…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuesday Vargas hugot na hugot sa 42nd birthday, feeling blessed: Hintayin n’yo kapag nag-50 na ‘ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending