Paolo Gumabao nakasuhan dahil sa pagti-TikTok suot ang SAF uniform: It’s a lesson learned for me at hindi na mauulit | Bandera

Paolo Gumabao nakasuhan dahil sa pagti-TikTok suot ang SAF uniform: It’s a lesson learned for me at hindi na mauulit

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 08:08 AM

Paolo Gumabao nakasuhan dahil sa pagti-TikTok suot ang SAF uniform: It’s a lesson learned for me at hindi na mauulit

Paolo Gumabao

HINDING-HINDI na uulitin ng Kapamilya hunk actor na si Paolo Gumabao ang ginawa niya sa social media habang suot ang uniporme ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay may kaugnayan sa kasong isinampa laban sa kanya at sa isa pang aktor na kasama niya sa pelikulang “Mamasapano, Now It Can Be Told” na isa sa mga official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pinag-ugatan ng nasabing kaso ay ang ilegal na pagsusuot umano nila ng Special Action Force (SAF) uniform at insignia habang nasa shooting ng “Mamasapano.”

“We were all surprised because we have permission to use them. Ang reklamo sa akin, nagsayaw daw ako sa TikTok wearing the uniform,” ang paliwanag ni Paolo sa naganap na presscon ng “Mamasapano” kamakailan.

Aniya pa, “Ako naman, no offense meant at all, but it’s a lesson learned for me at di na mauulit. Buti na lang the case didn’t prosper.”

Samantala, walang issue kay Paolo kung second choice lamang siya para sa ginampanan niyang role sa “Mamasapano, Now It Can Be Told” na unang in-offer kay JC de Vera na nagka-COVID-19 nang sasabak na sana siya sa shooting.

“Ang ganda nu’ng role and they’re about to shoot in two days, so tatanggi pa ba ako?” ani Paolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Siya ang gumaganap bilang Supt. Raymond Train sa movie, ang commander ng PNP team, Seaborn 13, na siyang naatasang mamuno sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng terorista sa Marwan at Usman, Maguindanao noong January 25, 2015.

“It’s an action movie and even as a young boy, dream ko talagang gumawa ng action film.

“So I’d like to thank our producer, Atty. Ferdie Topacio, and Director Lester Dimaranan, for giving me the chance to try action in the war scenes we have in ‘Mamasapano’.

“We shot sa bundok at mainit sa set, nakabilad kami sa araw maghapon, then inilubog kami sa ilog, mahirap. But I enjoyed it all,” aniya pa.

Tungkol naman sa preparasyon na ginawa niya sa pagganap bilang pulis, “I didn’t have much time to prepare kasi nag-shoot na agad ako.

“But on the set, may mga nagturo sa amin how to use guns at ang dami kong natutuhan sa kanila. We used real guns in the movie. Immersed na immersed na talaga ako sa mga eksena namin,” sabi pa ni Paolo.

Kumusta naman ang work experience niya with Edu Manzano, “Medyo kabado ako noong una kasi I know nagkasama sila sa movies ng dad ko (Dennis Roldan) noong araw.

“But it turned out hindi ako dapat kabahan kasi he’s very nice. Nakipagkuwentuhan pa siya sa akin. Talagang ginagalingan ko sa scenes namin para hindi ako mapahiya sa kanya,” sabi pa niya.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya na gumawa siya ng mga sexy films tulad ng “Lockdown” at “Sisid”, “No, not at all. It gave me the chance to work with two great directors, Joel Lamangan and Brillante Mendoza. Sobrang dami ng natutuhan ko sa kanila.

“Hindi ako makakarating where I am now without those movies. Right now, I’m also part of the series ‘Darna’ and I’m starting a new movie, ‘Spring in Prague’, to be shot on location in Prague, the capital city of the Czech Republic, also produced by Atty. Topacio, with a new leading lady,” ani Paolo Gumabao.

Paolo Gumabao, Rico Barrera at iba pa kinasuhan dahil sa pelikulang ‘Mamasapano’; Atty. Topacio umalma

Aljur tumaas pa ang respeto sa pulis, sundalo dahil sa ‘Mamasapano’: Nahirapan ako para sa kanila…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edu na-misplace ang uniform paraphernalia ng heneral: Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending