Wish ni Matteo sa 2024, mabuntis na si Sarah; sinaniban nga ba sa Penduko? | Bandera

Wish ni Matteo sa 2024, mabuntis na si Sarah; sinaniban nga ba sa Penduko?

Ervin Santiago - December 13, 2023 - 11:04 AM

Wish ni Matteo sa 2024, mabuntis na si Sarah; sinaniban nga ba sa Penduko?

Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo at ang cast ng ‘Penduko’

ISA sa mga wish ni Matteo Guidicelli ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon ay ang magka-baby na sana sila ni Sarah Geronimo.

Yes, looking forward na talaga ang Kapuso actor at TV host sa pagkakaroon nila ng baby ng kanyang wifey dahil feeling niya, handang-handa na silang bumuo ng sariling pamilya.

Sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Penduko” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2023, ibinahagi ni Matteo na gustung-gusto na niyang maging tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Pero agad naman niyang sinabi na abangers lang sila ni Sarah sa tamang panahon kung kailan sila bibiyayaan ng Panginoong Diyos ng baby.

“For 2024 and in the future, sana magka-baby na kami. In God’s time,” sabi ng aktor.

Baka Bet Mo: Janno first time nakatrabaho sina Bing at Manilyn sa isang project: Ito na ang last time siguro

“At the end of the day, my priority is my wife and family so I think that’s part of the plan. But again you can’t plan too hard because it’s God that uses this blessing.

“So we just hope for the best and do what we have to do. Whatever comes, whatever happens, happens. Let’s just pray for that,” aniya pa.

Tatlong taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Matteo at Sarah. Ikinasal sila sa isang private ceremony sa Taguig noong February 20, 2020 na naging kontrobersyal pa dahil sa “pagsugod” umano roon ng nanay ni Sarah na si Mommy Divine.

Anyway, super excited na rin si Matteo sa nalalapit na pagpapalabas ng itinuturing niyang launching movie na “Penduko” mula sa Viva Films, directed by Jason Paul Laxamana.

Inamin ni Matteo na buwis-buhay ang mga ginawa niyang eksena sa movie dahil sa dami ng mga fight scenes at delikadong stunts. Pero worth it naman daw lahat ng pagod at sakripisyo niya at ng lahat ng mga kasamahan niya sa pelikula.

Paglalarawan naman niya sa bagong version ng “Penduko” na unang ginampanan ni Janno Gibbs sa original version nito, “Timely na timely siya and it correlates talaga with the modern world today.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo IG Official Account @matteog (@matteoglifestyle)


“Yung influence ng social media, ng internet, the influence of what’s happening today in the world kumbaga,” sabi pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero…

Samantala, nabanggit din ni Matteo na totoong lumapit siya sa isang pari after niyang gawin ang ilang eksena niya sa “Penduko.”

May naramdaman daw kasi siyang “something” na medyo intense, “Parang napasukan ako ng ibang espiritu. So, medyo nag-transform si Penduko. Na-realize ko after that shooting day na, grabe, ang tindi pala nu’n.”

Kaya sa bawat matitinding eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Jason Paul sa movie ay umuusal muna siya ng dasal para sa kaligtasan ng lahat ng taong involved sa production.

Tungkol naman sa mga anting-anting na isa sa mga tinalakay sa pelikula, “I guess there is no harm in believing because when I was a ranger, ang daming mga sundalo na may anting-anting and agimat.”

Isang Army reservist ang aktor na may ranggong 2nd Lieutenant sa Armed Forces of the Philippines.

Dugtong ni Matteo, “There are a lot of stories na nakikita ko talaga na nakatali sa katawan nila mga oils, ganito and they said that it‘s their protection because they are still alive until now.

“So I guess at the end of the day, there’s no harm in believing. Maybe there’s truth to that,” aniya pa sabay pakita sa suot niyang cross na may image ni Mama Mary at Philippine sea pearl.

Meron din siyang suot na Italian necklace na pampaswerte raw, “Pero yung totoong agimat ko nandu’n pa sa bahay, si Sarah!”

Mapapanood na ang “Penduko” simula sa December 25, bilang bahagi ng MMFF 2023. Makakasama rin dito sina Kylie Verzosa, Albert Martinez, John Arcilla, Arron Villaflor, Mark Anthony Fernandez, Phoebe Walker, Marissa Sanchez, Candy Pangilinan at Andrea Del Rosario.

Ka-join din sa cast sina Gene Padilla, Joe Vargas, Martin Venegas, Migo Valid, Keagan De Jesus, Kurt Delos Reyes, Tyro Daylusan, Zombie Tugue, TJ Valderrama, Jobelyn Manuel, JC Tiuseco, Andrea Babierra, It’s Showtime’s Mini Miss U viral contestant Annika Co, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Penduko” ay isang collaboration project mula sa Epik Studios, Cignal TV at Sari Sari Network, Inc..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending