#SerbisyoBandera: Shoti, Sony Music Entertainment nagpasaya ng mahihirap na pamilya sa QC
SA pamamagitan ng food aid at relief, patuloy na tumutulong ang Sony Music Entertainment Philippines (SMEP) sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.
Ngayong papalapit na ang Pasko, muli nilang inilunsad ang “Season of Giving,” ang kampanya ng Sony Music at ng kanilang music artists na sinusuklian ang mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
Across the world, sinusuportahan ng SMG ang global organizations na nakatuon sa food security, homelessness at refugee support.
Bukod diyan ay nagbibigay rin sila ng music industry relief at educational programs para sa mga komunidad na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Para sa taong ito, nakipag-partner ang music label sa “Reach Out and Feed Philippines” upang isagawa ang feeding program sa Barangay Damayang Lagi sa Quezon City.
Dahil diyan ay lubos ang pasasalamat ng nasabing organisasyon sa Sony Music, “Their support is not just a contribution; it’s a lifeline to those in need.”
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: ‘Teacher Santa’ ng Iligan City tinupad ang Christmas wish ng 25 estudyante
“Together, we’re making a tangible difference, one meal at a time,” sey pa ng founder at chairperson ng Reach Out and Feed Philippines na si Dawn Cabigon.
Ang nag-volunteer at humarana sa mga beneficiaries ng nabanggit na programa ay ang OPM singer na si Shoti.
Ilan lamang sa itinanghal niya sa feeding program ay ang kanyang viral smash na “LDR,” ang kanyang new single na “waiting 4 u (delulu), at ang rendition niya ng holiday classic na “Jingle Bell Rock.”
“I’ve received a lot of blessings this year,” sambit ng teen pop singer-songwriter.
Patuloy niya, “And the least thing that I can do is to pay it forward in my own little way. I’m grateful to my Sony Music family and Brgy. Damayang Lagi for the opportunity to bring joy and inspiration to these families.”
“I’m honored to have used my platform in enacting impactful changes within the community, and I hope to be of service to more people in the future,” ani pa niya.
Todo naman ang pasasalamat sa kanya ng music label dahil bukod sa talaga namang napasaya niya ang beneficiaries ay dumayo pa siya rito sa Maynila mula sa Cebu.
“I am incredibly proud of our young artist Shoti, who, at just 16 years old, displayed immense dedication and commitment by flying all the way from Cebu to Manila to participate in the feeding program organized by Reach Out and Feed Philippines,”saad ng General Manager ng Sony Music Entertainment ng bansa na si Roslyn Pineda.
“Shoti’s willingness to go the extra mile to make a difference is truly inspiring,” wika pa niya.
Ang “Season of Giving” ay ang global initiative ng Sony Music Group na umaarangkada sa buong holiday season in collaboration with charity partners across Africa, Asia, Australia/New Zealand, Canada, Continental Europe, Latin America, the United Kingdom, at United States.
“Sony Music Philippines is committed to continuing our Season of Giving initiatives and partnering with organizations like Reach Out and Feed Philippines to create a lasting change. Together with our artists, we will continue to use our platform to uplift and empower communities,” ani ni Roslyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.