Baguhang singer na si SHANNi pumirma ng kontrata sa Sony Music, naglabas ng debut single na inspired sa pelikula
ISANG baguhang singer na mula sa pamilya ng sikat na mga musikero ang gagawa ng sariling pangalan sa music industry.
Siya ang singer-songwriter na si SHANNi na naka-base sa Metro Manila.
Para sa mga hindi pa pamilyar sa kanya, ang kanyang music genre ay mga pinaghalong classic city pop, jazz-influenced synth-pop at funk.
Ang young singer ay ang nakababatang kapatid ng art-pop artist na si Blaster Silonga, ang lead guitarist at co-vocalist ng bandang “IV of Spades” at leader ng sarili niyang banda na “Blaster and the Celestial Klowns.”
Baka Bet Mo: Maxene gagawa ng libro: I will share the important life lessons that I learn in my personal journey
Bukod diyan, si SHANNi ay pamangkin ni Shar Santos, ang dating miyembro ng Smokey Mountain.
All out support ang pamilya ng baguhang singer dahil parte ng kanyang banda ay ang mga kapatid niyang sina Dave at Leyna Silonga na nagsisilbing bassist at guitarist niya.
Kasabay ng kanyang pagpirma ng kontrata under Sony Music Entertainment ay ang pag-release ng kanyang debut single na pinamagatang “sa panaginip.”
Ayon kay SHANNi, inspired ito sa romantic drama film na “The Eternal Sunshine of the Spotless Mind.”
Kwento pa niya, isinulat niya ang kanta noong siya ay nasa Grade 10 pa lamang matapos mapanood sa kauna-unahang pagkakataon ang nasabing pelikula.
“I called it sa panaginip, because it shows that memories and emotions aren’t easy to forget,” paliwanag ng newcomer sa isang pahayag mula sa nabanggit na record label.
Dagdag pa niya, “It’s all the more difficult to erase when the experience contributes significantly to your journey as a person. You won’t be able to escape the truth, even in your dreams.”
Ang baguhang singer din ang mismong nag-produce ng kanyang bagong single sa tulong ng kanyang kapatid na si Blaster na nag-contribute ng ilang background vocals.
Habang si Sam Marquez ng bandang “One Click Straight” ang nag-mix at nag-master ng kanta.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.